Anne Curtis, hindi inatrasan ang challenge sa pagluluto, sa tulong ng kanyang asawa na si Erwan Heussaff habang ito ay naka-blindfold

Kung pagalingan lang naman sa kusina ang pag-uusapan, tiyak na hindi magpapahuli dyan ang content creator na si Erwan Heussaff.

Sa kanyang mga cooking videos, tiyak na ikaw ay maraming mapupulot na aral pagdating sa pagluluto ng iba’t-ibang klase ng dish, na maaari mo na ring subukan sa iyong tahanan.


Credit: FEATR Youtube Channel

Tila’y ang pagiging mahusay ni Erwan sa kusina ang naging daan sa kanyang asawa na si Anne Curtis na isang aktres, upang madagdagan ang kaalaman nito pagdating sa pagluluto.

Kaya naman sa pagkakataong ito ay isang challenge ang kanilang ginawa mag-asawa, na kung saan ay si Erwan ang nagsilbing instructor ni Anne sa kanyang ginawang pagluluto.

Ngunit ang ginawang pag-iinstruct ni Erwan ay naging challenging ito para sa kanya, dahil siya ay naka-blindfold lang naman habang nagbibigay ng instructions sa gagawing dish ni Anne.




Credit: FEATR Youtube Channel

“Today it’s going to be very different because Anne has a couple of ingredients in front of her and she is going to have to cook the dishes. I for one will not cook anything and I will be sitting next to her with a blindfold solely giving her instructions.”

Para sa unang dish na kailangan ihanda ni Anne ay isang Feta Pasta ang kanyang ginawa, at makikita na kahit nakapiring man si Erwan ay nagawa ito ng aktres ng maayos.


Credit: FEATR Youtube Channel

At pagdating sa tikiman time, ay pinuri ni Erwan ang ginawang Feta Pasta ni Anne at nasarapan sa niluto ng kanyang asawa.

“You did a good job!”


Credit: FEATR Youtube Channel

Para naman sa sumunod na dish, ay isang Tuna Onigiri ang huling inihanda ni Anne, na siyang makikita naman na habang ginagawa ang dish na ito ay tila’y nahirapan si Anne.

Ganunpaman, ay hindi pa rin inatrasan ni Anne ang challenge at kanyang pinatunayan na kaya nyang makisabay sa galing ng kanyang asawa sa pagluluto.


Credit: FEATR Youtube Channel

Para kay Erwan ay 7 out of 10 ang naging score na nakuha ni Anne mula sa kanya, ng i-rate nya ang ginawang pagluluto nito ng Tuna Onigiri.

“It’s not bad. The only issue I have with it is that the tuna was splitting out. The whole point of you putting a teaspoon or half a teaspoon of tuna unto the palm is to make sure that it gets completely covered in the sides… Not bad. I’m impressed.”

Bago matapos ang chellenge ay nalaman ni Erwan na maaari pa ring makagawa ng isang masarap at healty na dish, hangga’t tama ang mga ingredients na gagamitin sa pagluluto at may tamang guidance ng iyong Chef o instructor.

“I think today proves something really important. You can make really good food and healthy food if you have the right ingredients and if you have the right instructions. Cooking for yourself doesn’t have to be complicated.”




Credit: FEATR Youtube Channel

Si Anne at Erwan ay ikinasal noong November 12 taong 2017, at nabiyayaan ng isang napaka-cute anak na si Dahlia Amelie, na isinilang ng aktres noong March 2, ng nakaraang taon.

The post Anne Curtis, hindi inatrasan ang challenge sa pagluluto, sa tulong ng kanyang asawa na si Erwan Heussaff habang ito ay naka-blindfold appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments