KC Montero at Stephanie Dods, ibinahagi ang masayang family bonding kasama ang kanilang cute baby boy na si Wyatt

Masayang-masaya ngayon ang Laugh Out Loud host na si KC Montero at asawang si Stephanie Dods matapos silang mabiyayaan ng napaka-cute at gwapong baby boy na si Wyatt Cody Miller.

Makikita ang pagiging very hands-on parents ng dalawa ngayon sa kanilang anak, na siyang inspirasyon nila sa kanilang pang-araw-araw na gawain.


Credit: @kcmontero on Instagram

Busy man sa kani-kanilang trabaho, ay hindi naman nila nakakaligtaan ang kanilang responsibilidad para kay Baby Wyatt, at sa katunayan nito ay kanilang sinusilit ang mga panahon na sila ay magkakasama bilang isang pamilya.

At sa araw ng family day, ay masayang nag-bonding ang kanilang pamilya at in-enjoy ang mga oras na sila ay magkasama sa isang masayang pool bonding.

Sa larawang ibinahagi ni KC sa kanyang Instagram ay makikitang sila ay nasa pool, habang suot-suot ang kanilang mga swimming outfits.




Credit: @kcmontero on Instagram

Hindi naman nagpahuli ang gwapong si Baby Wyatt at nakasuot rin ng kanyang swimming outfit, habang suot-suot rin nito ang kanyang sunglass at summer hat na tila’y hindi nagpakabog sa kanyang parents.

Sa isang banda ay nagsilbi namang photographer ni Baby Wyatt ang kanyang Mommy Stephanie, sa kanilang naging masayang family pool day at kinuhaan ang kanilang mga bonding moments as a family.


Credit: @kcmontero on Instagram

Tila’y sa munting oras at panahon na sila ay nakakapag-bonding as a family, ang isa sa mga sinusulit nina KC at Stephanie lalo na ngayon na hindi pa maaaring makapunta sa malalayong lugar dahil sa pandemya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kc montero (@kcmontero)


Sa kanilang masayang family day, ay marami namang netizen ang natuwa at pinanggigilan ang gwapong mukha ni Baby Wyatt, na syang namana nito sa angking ganda at gwapo ng kanyang mga magulang.

“I’m obsessed with these pics 😍😍

“Ur Luckiest man on earth @kcmontero ❤🙌 handsome baby plus gorgeous wifey. God bless your family 🙌


Credit: @kcmontero on Instagram

“The most gorgeous baby boy on the web. So irresistible, not to make a comment. 😊😍God bless your family.”

“wyatt’s starting to look more like you na sir kc🔥❤




Credit: @kcmontero on Instagram

Ikinasal sina KC at Stephanie noong September taong 2019 at isinilang ni Stephanie ang gwapong si Baby Wyatt noong December 14 ng nakaraang taon.

The post KC Montero at Stephanie Dods, ibinahagi ang masayang family bonding kasama ang kanilang cute baby boy na si Wyatt appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments