Jhong Hilario, ibinahagi ang masayang pagdiriwang ng ika-2 buwang selebrasyon ng kanyang anak na si Baby Sarina.

Makalipas ang halos dalawang buwan ng dumating sa buhay ng Sample King na si Jhong Hilario at kasintahang si Maia Azores, ang kanilang “Bundle of Joy” na si Baby Sarina ay tila’y ito rin ang naging daan upang mas lalo pang mapalapit ang dalawa sa kanilang little princess.

Sa bawa’t litrato at videos na ibinabahagi ni Jhong ay makikita ang kanilang masayang bonding time mag-ama, at ang kanilang masayang pagsasama bilang isang pamilya.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Marahil ito na ang maituturing na malaking biyaya na dumating sa buhay ni Jhong, bukod sa kasikatan at talentong ibinahagi sa madlang people ay wala ng mas ikaliligaya pa sa pagdating ng kanilang munting prinsesa.

Panandalian mang mawawala sa noontime variety show na It’s Showtime, ay hindi naman dito natatapos ang pagpapasaya ni Jhong sa maraming tao.

Dahil ang Sample King, ay kasalukuyang naka-focus ngayon sa pagiging isang hands-on Daddy at partner sa kanyang kasintahan na si Maia.




Credit: @jhonghilario on Instagram

At sa bawat araw na kasa-kasama ang kanyang pamilya ang siyang pinaka prayoridad ni Jhong ngayon, hindi lamang maalagaan ang kanilang munting prinsesa na si Sarina kundi mapanatili din ang kanilang kaligtasan.

O’kay bilis nga naman ng panahon at masayang ipinagdiwang nina Jhong at Maia ang ika-2 months old ni Baby Sarina.

Sa larawang ibinahagi ng Sample King sa kanyang Instagram, ay makikita ang napakagandang si Baby Sarina, habang nakasuot ng isang bistida at white ribbon headband.


Credit: @jhonghilario on Instagram

Maliban sa magandang kasuotan nito ay kapansin-pansin ang cute na mga ngiti ni Baby Sarina habang nakatingin sa kamera, at tila’y labis na in-enjoy ang espesyal na araw na ito sa kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sample King 👑/ ALAKDAN 🦂 🇵🇭 (@jhonghilario)


Isang taos-pusong mensahe naman ang ipinaabot ni Jhong para sa kanyang anak, na makikita sa inilagay na caption nito sa naturang litrato ni Baby Sarina.

“Happy 2 months my princess. ❤😍 I love you so much! 😘😘😘 @sarinahilario #sampleprincess.”

Isinilang ni Maia si Baby Sarina noong March 27, ngayong taon.

The post Jhong Hilario, ibinahagi ang masayang pagdiriwang ng ika-2 buwang selebrasyon ng kanyang anak na si Baby Sarina. appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments