Solenn Heussaff at Nico Bolzico, sumabak sa isang cook-off challenge at nagsilbing hurado ang kanilang cute baby girl na si Tili

Kung pag-uusapan ang pagiging physically fit at healthy lifestyle, tiyak na hindi magpapahuli sa listahan ang celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico pagdating sa pagkakaroon ng magandang pangangatawan.

Maliban sa pag-e-ehersisyo, ay bahagi ng kanilang healthy lifestyle ang pagpili ng mga masusustansyang pagkain, tulad ng pagkain ng gulay at prutas.


Credit: Solenn Heussaff Youtube Channel

At dahil bahagi ng lifestyle nilang mag-asawa ang pagiging healthy, hindi kataka-taka na pati ang kanilang baby girl na si Thylane Katana o mas kilala bilang si Tilibolz ay marunong na rin kumain ng masustansyang pagkain.

Para mapatunayan ito, ay gumawa ng isang cook-off challenge sina Solenn at Nico, na kung saan ay parehas silang nagluto at ang naging judge sa hamong ito ay walang iba kundi ang kanilang unica hija na si Tilibolz.

“We’re going to do a sort of cook-off using Gerber.”




Credit: Solenn Heussaff Youtube Channel

“We’re gonna be doing Gerber recipes and we’re gonna have a very very tough judge and her name is Tilibolz.”

Sa pagsisimula ng cook-off ay unang sumabak si Solenn, at isang cupcake ang kanyang ginawa para kay Tili.

“When it comes to nutrition, obviously I’m on top of my games specially when it comes to my daughter. So, I make sure she gets really really good food.”


Credit: Solenn Heussaff Youtube Channel

Pagdating naman sa pagluluto ni Nico, ay isang main course ang kanyang inihanda at isang fish-veggie dish ang naisip nyang iluto para kay Tili.

“Okay so I’m gonna go for the healthy lifestyle of my daughter, I do care about the health of my daughter so I wouldn’t do anything sweet that would be a d!saster.”

At habang hinahanda ni Nico ang sibuyas, ay matatawa ka naman sa naging mini-f!ght nilang mag-asawa, matapos makita ni Solenn ang paraan ng paghih!wa ni Nico sa sibuyas.


Credit: Solenn Heussaff Youtube Channel

“We’re gonna be here till tomorrow if you ch0p like that.”

At hindi naman nagpatalo si Nico dahil kanyang pinaalalahanan si Solenn, na maging patas umano sa kanilang challenge at hayaan sya sa kanyang ginagawa.

“Did I bother you? Did I absolutely interfere in your video on your process? So please be fair, if you want a fair competition, be fair.”


Credit: Solenn Heussaff Youtube Channel

Matapos ang kanilang ginawang cook-off ay oras na para sa tikiman time, at handa na si Tilibolz na pumili sa pagkaing iniluto ng kanyang mga magulang.

Tila’y sa challenge na ito ang nagwagi ay walang iba kundi si Nico, na syang makikitang ito ang unang piniling tikman ni Tili.

“I wasn’t expecting to win that easily, so she actually mentioned that it was not – not her part. But you know I think competition shows that Tilibolz loves me more.”




Credit: Solenn Heussaff Youtube Channel

Parehas ngang masustansya ang inihandang pagkain nina Solenn at Nico, at patunay lang ito na tulad nilang mag-asawa ay hilig din ni Tili ang pagkain ng masusustansyang pagkain, upang mapanatili ang malusog na pangangatawan.

The post Solenn Heussaff at Nico Bolzico, sumabak sa isang cook-off challenge at nagsilbing hurado ang kanilang cute baby girl na si Tili appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments