Nadine Samonte, ipinakita ang masayang bonding sa kanilang bahay kasama ang kanyang buong pamilya

Dahil summer na sa Pinas, ay damang-dama na ang init na hangin at ang karamihan sa atin, ay naghahangad ng makapunta sa beach at mga lugar bakasyunan upang mag-enjoy at makapag-relax.

Kung ang karamihan ay nagbabakasyon kasama ang pamilya sa mga karatig probinsya, ang ilan naman ay makasama at maka-bonding lang ang buong pamilya ay sapat na upang makapag-relax.


Credit: @nadinesamonte on Instagram

Isa na nga sa mga ito ay ang aktres na si Nadine Samonte, na hindi rin nagpahuli at in-enjoy ang pakikipag-bonding sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanilang pagligo sa inflatable pool.

Sa larawang ibinahagi ni Nadine sa kanyang Instagram, ay makikitang magkakasama sila buong pamilya sa loob ng inflatable pool, at tila’y nagmistulang resort ang kanilang set-up dito.

Makikita sa kanilang mga mukha na kahit hindi man makapunta sa beach ay okay lang, hanggat masaya at buo ang kanilang pamilya kahit sa simpleng sama-sama ay sapat na upang makapag-enjoy ang bawat isa.




Credit: @nadinesamonte on Instagram

Maliban pa dito ay kapansin-pansin rin ang pagiging close at sweet ng bawat isa, na syang makikita sa naturang larawan ang paghal!k ni Nadine sa kanyang mga anak at sa kanyang asawa.

Ngunit ang mas lalong agaw pansin sa kanilang masayang family-bonding, ay ang ginawang pag-payong nila buong pamilya noong biglang umulan habang sila ay nags-swimming.

Ayon pa sa pabirong caption ni Nadine ay nagpayong daw umano sila, upang hindi raw mabasa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nadine Samonte Chua (@nadinesamonte)


“Nagpayong kami kasi baka mabasa kami 😅😅😅

Dahil dito ay hindi napigilan ng ilang mga netizen na matawa at magbigay ng kanilang komento, patungkol sa masayang family bonding nina Nadine at ng kanyang pamilya.

“Gusto ko yung mga k!ssing scene kayo😂😍


Credit: @nadinesamonte on Instagram

🤣😂🤣 tama yan… hindi kayo nagpapaulan!”

“Sana all my mini pool!😍 cute bonding❤

😂Tama yan masamang mabasa ng ulan habang nag swimming head ache kalaban n’yo”




Credit: @nadinesamonte on Instagram

“Hahaha ang cute nyo tingnan❤❤❤🤩🤩🤩🤗🤗🤗

“Such a beautiful family. Ganda ng lahi, paramihin pa po😂.God bless you❤

The post Nadine Samonte, ipinakita ang masayang bonding sa kanilang bahay kasama ang kanyang buong pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments