Ryza Cenon, ipinasilip ang naging binyag ng kanyang anak na si baby Night na dinaluhan ng kanyang mga mahal sa buhay

Dahil ngayon na isa na rin sa maituturing na celebrity mom ang aktres na si Ryza Cenon, ay hindi naman matawaran ang labis na kasiyahan nito sa pagdating ng kanilang baby ng kaniyang kasintahan na si Miguel Antonio Cruz.


Photo Credit: @iamryzacenon on Instagram

Nobyembre ng nakaraang taon nang isilang ni Ryza ang napaka-cute nilang anak na si Baby Night at ang pagdating nga ng kanilang munting anghel ang pinakamagandang regalo na natanggap nila bago sumapit ang kapaskuhan.

At makalipas ng tatlong buwan matapos nyang maisilang si Baby Night, ay naisipan naman nilang magkasintahan na ito na rin ang tamang panahon upang binyagan ang kanilang anak.




Photo Credit: @iamryzacenon on Instagram

Sa panibagong video na ito ni Ryza sa kaniyang YouTube channel, makikita ang kanilang ginawang paghahanda at ang masayang binyag na naganap kasama ang mga taong mahahalaga sa kanilang buhay.

Isa sa mga celebrity na inimbitahan ng aktres at ang nagsilbing Ninang ni Baby Night, ay walang iba kundi ang isang mahusay din na Kapuso actress na si LJ Reyes.


Credit: Real Ryza Cenon Youtube

Bago maganap ang masayang selebrasyon na ito, ay sinigurado naman nina Ryza na ligtas ang lahat at sinunod pa din ang mga safety protocols na siyang nararapat gawin, lalo na ngayon na may pandemyang kinakaharap ang bansa.

Matapos ang naging binyag ni Baby Night sa simbahan at sa pagdating sa kanilang reception ay kapansin-pansin ang pagiging good mood nito at hindi man lang umiiyak kahit madaming taong nakasalamuha.


Credit: Real Ryza Cenon Youtube

At sa pagdating nga sa reception, nagsagawa din sina Ryza ng swab test para sa kanilang bisita at makikita din na pagpasok sa napiling restaurant ay may social distancing din naman ang bawat bisita.

Mula sa masayang selebrasyon na ito ng binyag ni Baby Night, tila’y hindi naman nito nakayanan ang pagod at antok sa pakikisalamuha sa kaniyang mga bisita, kaya hindi pa man tapos ang event ay nakatulog na din sya agad.

Ganunpaman, hindi maipaliwanag ang tuwa na naramdaman ni Ryza sa panibagong yugto na ito sa buhay ng kanilang anak at bilang isang ina, ay hangad nito ang makakabuti at ang wagas nilang pagmamahal para kay Baby Night na hinding-hindi magbabago.



 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


“Start your journey towards God’s eternal blessing for the rest of your life. May the holy spirit always surround you and protect you! God bless you anak. Be good to everyone. Welcome to the Christian world! We love you anak @iamnightcruz,”

The post Ryza Cenon, ipinasilip ang naging binyag ng kanyang anak na si baby Night na dinaluhan ng kanyang mga mahal sa buhay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments