Paolo Contis, nagpagawa ng napakagandang playground para sa anak na si Summer sa loob mismo ng kanilang bakuran

Marami mang plano ang hindi nagawa at natuloy dahil sa pandemyang nararanasan ngayon sa bansa, mga mahahalagang okasyon na naantala dahil na rin sa labis na pag-i!ngat ng bawat isa upang hindi magkaroon sak!t, ay mayroon din namang pagkakataon upang masulit at ma-enjoy ang pananatili sa loob ng tahanan.




Credit: Paolo Contis Youtube

Kung na-miss mo man ang pamamasyal at pagpunta sa iba’t-ibang lugar, mayroon din naman ang na-miss ang pakikipaglaro sa kanilang mga kaibigan at lalo na ang paglalaro sa playground na siyang labis na nagbibigay kasiyahan lalo na sa mga bata.

Kaya naman bilang isang celebrity dad tulad ng mahusay na aktor na si Paolo Contis, naisipan nitong maglagay ng isang mini playground sa kanilang bakuran.


Credit: Paolo Contis Youtube

Ang indoor playground na ito ay naisipang gawin ni Paolo para sa kaniyang napaka cute na anak na si Summer, dahil ayon sa kaniya ay ilang araw na daw itong hindi nakakalabas ng kanilang bahay.

Matatandaan na sa mga nakaraang video ni Paolo ay naglagay sila ng kaniyang kasintahan na si LJ Reyes, na ina ni Summer ng isang playground para sa anak.


Credit: Paolo Contis Youtube

Ngunit dahil semento ang kinalalagyan nito, may mga pagkakataon pa din na hindi maiiwasang madapa at magalusan si Summer habang naglalaro.

Kaya naman bilang isang supportive dad, naisipan nitong regaluhan ang anak ng isang playground sa kanilang bakuran.

Sa panibagong video ni Paolo na mapapanood sa kaniyang YouTube channel ay makikita ang ginawa nilang paghahanda, at ang dating semento na kinalalagyan ng playground ay pinalagyan niya ng indoor grass para maging l!gtas si Summer habang naglalaro.

Bukod pa dito ay bumili din ng isang playhouse si Paolo at mga palaruan na siyang labis na nagustuhan ni Summer.




Credit: Paolo Contis Youtube

At matapos nga ang sorpresang kaniyang inihanda sa anak, ay ipinakita niya ito kay Summer at kapansin-pansin ang kaligayahan at excitement na naramdaman nito nang makita ang kaniyang panibagong playground.

Sa mga ngiti at tawang ipinakita ni Summer ay tiyak na siyang labis na nagustuhan nito ang sorpresang regalo na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Papa.

The post Paolo Contis, nagpagawa ng napakagandang playground para sa anak na si Summer sa loob mismo ng kanilang bakuran appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments