Vlogger na si Mimiyuuuh, sobrang napasaya ang kanyang mga magulang sa surpresa nyang bagong sasakyan

Ang sikat na content creator at YouTube vlogger na si Mimiyuuuh ay isa sa mga hinangaan at patuloy na sinusubaybayan ng karamihan, dahil sa kaniyang likas na pagiging isang comedian ay tiyak na siya ay iyong katatawanan.

Nagsimulang makilala si Mimiyuuuh ng siya ay nagsimula na din sa paggawa ng mga YouTube vlogs, at ilan sa mga ito nga ay sumikat na siyang naging daan naman para sa kaniya upang marating ang ganitong klaseng pagkilala na kaniyang natatanggap sa publiko.



Credit: mimiyuuuh Youtube

Bukod sa pagiging mahusay na content creator, siya din ay isang mabuting anak kaya naman ang lahat ng kaniyang ginagawa ngayon ay para sa kaniyang pamilya.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na dahil sa bunga ng kaniyang sipag at tiyaga sa pagba-vlog, at mga suportang kaniyang natatanggap, ito rin ay naging daan upang makaipon si Mimiyuuuh at ang bunga ng lahat ng ito ay nakapagpatayo siya ng sariling bahay para sa kaniyang pamilya ngayon.

Credit: mimiyuuuh Youtube

Ngunit hindi lang naman pagiging vlogger ang trabaho ni Mimiyuuuh, dahil siya din ay naiimbitahan sa ilang mga kilalang product brands upang kanilang maging endorser.

At matapos nga ang bahay na kaniyang ibinigay sa kaniyang pamilya, naisipan naman ni Mimiyuuuh na sorpresahin ang kaniyang mga magulang lalo na ang kaniyang Daddy ng isang bagong sasakyan.

Credit: mimiyuuuh Youtube

Ayon pa kay Mimiyuuuh ito ang kauna-unahang sasakyan na magkakaroon ang kanilang pamilya, dahil kadalasan daw ay nagrerenta lamang sila sa tuwing sila ay may pinupuntahan.

Bukod sa kagustuhan ng kaniyang ina na muling mabisita ang Bicol at Batangas, naisipan na ni Mimiyuuuh na bumili na ng sasakyan para sa kanila, upang makapag-relax ang kaniyang pamilya kapag sila ay nagbakasyon.

Credit: mimiyuuuh Youtube

Kaya naman sa pagpunta ni Mimiyuuuh sa Toyota Bicutan upang bumili ng sasakyan, hindi naman inaasahan nito ang masayang pag-welcome ng mga tao sa kaniya doon.

Matapos makapili ng magandang sasakyan para sa kanila ng kaniyang pamilya, isang Toyota Hiace Super Grandia ang siyang napili niyang ibigay para sa mga ito.

Credit: mimiyuuuh Youtube

Ang planong sorpresa ni Mimiyuuuh para sa kaniyang ama ay tila’y hindi nagtagumpay dahil nalaman agad nito ang kaniyang pagbili, kaya naman ang kaniyang ina na lamang ang kanilang sinorpresa sa sasakyan na binili niya para sa kanila.

Pagkakita pa lamang sa sasakyang binili niya, makikita naman ang pagiging emosyonal ng ama ni Mimiyuuuh sa regalong ibinigay ng kanilang anak.

Masaya si Mimiyuuuh na naibibigay na niya ang mga bagay na matagal na niyang pangarap para sa kaniyang pamilya, kaya isang mensahe naman ang ipinaabot niya sa katulad niyang may pangarap din na gustong maabot sa buhay.



Credit: mimiyuuuh Youtube

“If you are watching right now and ito ang dream mo, you is just getting there… You gonna skrrt skrrt on that wheels really soon, so let’s get it!”

The post Vlogger na si Mimiyuuuh, sobrang napasaya ang kanyang mga magulang sa surpresa nyang bagong sasakyan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments