Karamihan sa ating mga kababayan ngayon ay unti-unti ng bumabangon at nagsisimula ng ayusin ang kanilang mga tirahan na labis na naapektuhan dahil sa bagyong dumaan, samantala ang iba naman ay patuloy pa rin ang kanilang panawagan na sila ay matulungan.
Ngayon na nagiging maayos na ang panahon, marami sa ating mga Pilipino ang patuloy pa din ang ginagawang pagtulong at pamimigay ng mga relief goods at donasyon na pera sa mga pamilyang labis na naapektuhan.
Mapa-celebrity man o huwarang mamamayan ay hindi maikakaila na may mga tao pa din ang may busilak na kalooban mula sa kanilang ipinakitang malasakit sa ating mga kababayang naapektuhan ng nakaraang bagyo.
Isa na nga sa mga ito ay ang celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, na nanguna sa planong paghahatid ng tulong sa lugar na labis na naapektuhan, ang Cagayan.
View this post on Instagram
Sa kanilang magkahiwalay na Instagram post, makikita ang layunin nilang dalawa, na magpamigay ng isang truck na puno ng mga relief goods na balak nilang ipamahagi sa susunod na Biyernes.
Ayon kay Jennylyn ay may 1,000 bags na umano ng mga relief goods ang mayroon, ngunit hindi sapat iyon upang mapuno ang truck na pagdadalhan ng mga ito.
View this post on Instagram
Kaya naman sa pamamagitan ng kanilang mga social media accounts ay nanawagan sila sa publiko, kung sino ay may busilak na kalooban at handang tumulong sa pamamagitan ng mga donasyon na pagkain, o kaya naman ay pera na kanilang gagamitin sa pagbili ng mga relief goods.
“Calling for your help na punuin natin ng donation itong truck na ito para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Cagayan!”
“Magkaisa tayo na ipadama na nag-uumapaw at punong punong pagmamahal natin sa kanila sa pamamagitan ng pag-donate at pagpuno ng truck na ito ng kinakailangang nilang pagkain o supplies.”
Maliban dito, ang 50% na kikitain mula sa kanilang sales ng kanilang cat café business na Litterbucks, ay kanila ding gagamiting pandagdag sa mga pagkain na isasama sa mga relief goods.
Kung ikaw man ay may kakayahang tumulong sa pagbibigay ng tulong pinansyal o di naman kaya ay mga pagkain, maaaring i-donate ang mga ito sa kanilang GCash or BDO accounts.
The post Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang napakalaking sasakyan na maghahatid ng kanilang hinandang relief goods kasabay ng panawagan ng karagdagang mga donasyon para sa Cagayan appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments