Super Tekla, pinuntahan ng kanyang kapatid upang ipagluto sya ng napakasarap na alimango, pusit at sugpo

Sa vlog ni Alex Librada, mapapanood na dinalaw nya ang kapatid nyang si super Tekla sa kanyang condo at nagdala ng mga seafood gaya ng alimango, pusit at sugpo.

Credit: SUPER SEQUE Alex Librada Youtube

Proud nga etong si super Tekla kay Alex na tinawag nya pang chef guard, dahil bukod sa pagiging mabuting kapatid ay pinagluto pa sya ng masarap na pagkain.



Credit: SUPER SEQUE Alex Librada Youtube

Pinagluto nga ni Alex si Tekla ng kalderatang alimango, garlic shrimp at inihaw na pusit.

Tuwang tuwa naman si Tekla habang pinagluluto siya ng kanyang kapatid. Sinabi rin ni Tekla kung gaano kasipag at kabait na Ama ang kapatid nya na si Alex.

Sa part 2 ng kanilang video, ay nag kwentuhan nga ang magkapatid habang kumakain. Sarap na sarap naman si Tekla sa luto ni Alex.

Credit: SUPER SEQUE Alex Librada Youtube

Napag usapan pa ng dalawa kung gaano kahirap ang kanilang buhay noon, Ngunit laking pasasalamat pa rin na hindi sila pinabayaan ng Panginoon, “God is Good” sabi pa nga ni Tekla.

Binanggit rin ni Tekla na laging nandyan si Alex para sa kanya at hindi sya iniwan nito lalo na noong nagkaroon sila ng issue ng kanyang ex partner na si Michelle Banaag.

Credit: SUPER SEQUE Alex Librada Youtube

Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam na mayroon kang kapatid na laging nagpapasaya at nakasuporta para sayo.

Sa mga video naman nina Tekla kasama si Donita Nose, ay marami sa Netizen ang natuwa sa pagiging tunay at mapagmahal bilang kaibigan ni Donita Nose at binansagan pa nya siya na “Pambansang Beshy” dahil hindi ito nawala sa lahat ng pagsubok na kinaharap ni Tekla gaya ng issue nila ni Michelle.



Matapos nga ang nasabing issue, ay nagpasalamat naman si Tekla sa mga tao na nagtiwala at sumuporta sakanya, Sinabi nya rin na tigilan na sa pambabatik0s si Michelle sa kabila ng paghihirap ng ginawa nito sa kanya. At tinuldukan na nga ni Tekla ang issue nila.

The post Super Tekla, pinuntahan ng kanyang kapatid upang ipagluto sya ng napakasarap na alimango, pusit at sugpo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments