Gardo Versoza, nanatiling masaya at positibo sa kabila ng naging epekto ng nagdaang bagyo sa kanyang bahay

Matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses ay marami ngang Pilipino ang patuloy na bumabangon dahil sa pinsalang dala ng nasabing bagyo.

Ramdam na ramdam nga ito ng aktor na si Gardo Versoza matapos niyang ibahagi ang pagmamay-aring bahay sa kanyang instagram na may caption na, “haaaaayyyyyy 🙏🙏🙏🙏🙏 our house 🙈🙈🙈



Credit: gardo versoza instagram

Ang magandang bahay ni Gardo na makikita sa kanyang background kapag nag titiktok siya ay nilubog nga ng baha.

Sa litrato ay makikita ang loob ng bahay na punong puno ng putik. Wasak na ang mga pundasyon, pati na ang hagdanan ay sira na rin at natanggal pa ang bubong.

Maging ang flooring ng ikalawang palapag ng kanyang bahay ay nasira na rin.


Sa social media ni Gardo nagbahagi rin siya ng video kung saan nagawa pa niya mag tiktok habang naglilinis kasama ang kanyang mga kasambahay.

Nakakatuwa naman na marinig kay Gardo nang sabihin nya sa kanyang caption na, Patuloy lamang ang buhay kahit gaano man kasakit at kalungkot ang nangyari.

Credit: gardo versoza instagram

Ito daw ay dahil hindi naman tayo pinapabayaan ng Panginoon.

Marami naman ang nagpaabot ng suporta sa aktor at nag sabing think positive at siguradong makakabangon silang muli.

Naka-ugalian nga ng mga Pilipino na maging masaya parin kahit may kinakaharap na problema.

Credit: gardo versoza instagram

Narito pa ang ilang komento.

“Ganun tayo kahit may problema nakangiti pa rin keep safe everyone.”

“amen cupcake.. kudos sayo at kay Ivy. Life must go on.. God is good. He will return all the folds. Just keep the faith.”




Ang pagiging positibo nito ni Gardo ay labis na ikanatuwa ng kanyang mga fans na tinatawag niyang cupcakes.

Nagpapasalamat nga siya dahil nandyan ang mga cupcake na nagpapangiti at nagbibigay rin ng saya sa kanya.

Isa si Gardo sa pagpapalakas ng loob sa mga kagaya niyang naapektuhan ng bagyong Ulysses.

The post Gardo Versoza, nanatiling masaya at positibo sa kabila ng naging epekto ng nagdaang bagyo sa kanyang bahay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments