Sa kabila ng sitwasyon na kinakaharap ng bansa ngayon, marami pa din sa ating mga kababayan ang hindi pa rin maiwasan ang mangamba at mag-aalala, lalo na kung ang karamihan ay malayo sa kanilang minamahal.
Bilang isang ina at mapagmahal sa kaniyang pamilya, alam ng aktres at TV host na si Mariel Rodriguez-Padilla, ang h!rap at lungkot na mawalay sa iyong pamilya sa mahabang panahon.
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na sina Mariel at asawang aktor na si Robin Padilla, ay may mga masisipag at mapagkakatiwalaan na mga house helpers, na kanilang kasa-kasama sa kanilang tahanan.
At bilang isang ina sa kanyang dalawang anak na sina Gabriela at Isabella, labis din ang kaniyang pag-iingat lalo na ngayon na may kinakaharap na pandemya ang bansa.
Ayon kay Mariel ay mahigpit umano ang kanilang mga patakaran sa loob ng bahay, at wala umano mismo sa kanila ang lumalabas at pumapasok sa loob ng bahay.
Ngunit alam ng aktres at ni Robin na hindi lang sila ang nag-aalala sa kaligtasan ng kanilang pamilya, kung hindi pati na rin ang kanilang mga house helpers.
Kaya naman sa kabila ng ipinakitang pagmamahal at mabuting serbisyo ng mga ito kila Mariel at Robin, naisipan ng aktor na magtayo ng isang simpleng compound para sa mga Islam families.
“It is because they are also sacrificing so much for their families. It is because they have shown us loyalty. Nagpakita sila ng pagmamahal sa amin at gusto namin suklian ng pagmamahal din yung pinapakita nilang pagmamahal at mabuting serbisyo sa amin,”
At dahil sa kanilang kabutihang loob ay taos puso din nilang tinanggap ang ibang relihiyon na manirahan kasama ng mga ito.
Layunin ni Robin at Mariel ay maibsan ang kalungkutan at pag-aalala ng kanilang mga house helpers sa kanilang pamilya, na kahit hindi man nila ito kasama ngayon ay panatag ang kanilang kalooban na malapit lang ang mga ito at nasa ligtas na kalagayan.
“Ang dami-daming nangyayari so mag-aalala sila sa mga pamilya nila. And we wanted to remove that worry away from them para hindi na nila ‘yon iniisip. So Robin decided to take them under his wing. Here’s a place wherein Robin takes care of a few Muslim families. And for the very first time, we opened the doors to Christians, to Catholics like myself, for our staff.”
Sa huli ay labis naman ang naging pasasalamat ng kanilang mga house helpers sa ginawa nilang kabutihan para sa kanilang pamilya.
The post Mariel at Robin Padilla, ipinasilip ang kanilang ipinatayong bahay para sa kanilang mga kasambahay appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments