Ivana Alawi, personal na namigay ng relief goods na nagdulot ng tuwa at pag-asa sa mga taong naapektuhan ng bagyo sa Isabela at Cagayan

Hindi natin maikakaila ang matinding pinsalang dulot ng Bagyong Ulysses lalo na sa Luzon. Ilan sa mga labis na naapektuhan ay ang NCR, Regions 2, 3 at 4.

Ilan sa mga nakikitang larawan ay napakalalim na baha sa Marikina, Rizal maging sa Isabela at Cagayan.



Credit: Ivana Alawi Instagram

Marami ang nawalan ng mga bahay, ari-arian at kabuhayan. Kaya naman, marami sa ating mga kababayan ang higit na nangangailangan ng tulong dahil dito.

Kabilang sa naapektuhan ang Isabela at Cagayan ng naturang bagyo. Naging mabilis din ang pangyayari lalo na ang pagtaaas ng tubig sa mga lugar dito. Kaya naman, ngayon ay marami ang nangangailangan sa probinsya.

Credit: Ivana Alawi Facebook

Isa sa mga nagpaabot ng tulong ay ang vlogger at aktres na si Ivana Alawi. Ipinakita ni Ivana na hindi lang siya maganda sa panlabas kundi lalo na ang kanyang kagandahang loob. Napakamatulungin talaga ni Ivana na makikita sa mga larawan na ito na namimigay ng mga relief goods na malaking tulong sa mga tao.

Credit: Ivana Alawi Facebook

Mismong si Ivana ang pumunta at dumayo dito para maipamigay ang relief packs. Bukod sa mga packs ay malaking bagay din ang naihatid na tuwa sa pagpunta at pagbisita ni Ivana.

Credit: Ivana Alawi Instagram

Mula pa man din noon ay talagang matulungin si Ivana lalo na noong kasagsagan ng pandemya na marami din ang naapektuhan.

Credit: Ivana Alawi Facebook

Kaya naman, bilib na bilib ang mga netizens sa kanya dahil sa kanyang busilak na puso.

“I’M SO PROUD OF YOU ATE IVANA MORE BLESSINGS TO COME PO GODBLESS❤

“Napakabait mo talaga, Bebe. Kaya proud ako sa ‘yo, e. ‘Di ka lang maganda, may ginituang puso ka pa. Kung naghahanap ka ng volunteer, sige magvo-volunteer na ako. Basta kasama ka, ‘di siguro ako mapapagod.”



Credit: Ivana Alawi Instagram

“This lady is most Beautiful Girl I’ve ever seen. Because of her GOLDEN HEART and down to earth attitude! She is really ONE OF A KIND. For me she is much better than a beauty queen.”

Credit: Ivana Alawi Instagram

“God bless alawi family. Sigurado proud papa nyo sa inyo. ang apelyido nya nakikilala buong pilipinas dahil sa magandang loob ng kanyang mga anak at asawa.”

The post Ivana Alawi, personal na namigay ng relief goods na nagdulot ng tuwa at pag-asa sa mga taong naapektuhan ng bagyo sa Isabela at Cagayan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments