Chesca at Doug Kramer, kasama ang buong pamilya na bumalik sa isla ng Boracay para sa isang napakasayang bakasyon

“It feels so good to be back”, ika nga ng pamilya Kramer mula sa kanilang masayang family beach vacation na ginanap sa isang kilalang Isla sa Pilipinas, bukod sa angking ganda nito magmula sa mala crystal na tubig at ang ipinagmamalaki na pinong white sand na siyang matatagpuan sa Isla ng Boracay.



Credit: @chekakramer Instagram

Makalipas ang pitong buwan matapos masailalim sa quarantine ang Metro Manila, labis naman itong nagdulot ng pangamba at panghihinayang sa ating mga kababayan, dahil sa mga naudlot na plano na siyang nakatakdang gagawing ngayong taon.

“After almost 7 months of closure here, we’re back to our other home!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)


Ngunit may kaakibat man na peligro, basta`t may tamang pag-iingat at pagsunod sa mga safety protocols, ang naudlot na plano ay siyang maaari mo ng ma-enjoy at masulit ang panahon bago matapos ang taong ito.

Kaya naman ang Team Kramer ay hindi na pinalagpas ang pagkakataong ito at naisipang magbakasyon at muling balikan ang mga ala-alang kanilang iniwan sa Isla ng Boracay kasama ang buong pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chesca Garcia Kramer (@chekakramer)


Sa kani-kaniyang Instagram post ni Doug at Chesca Kramer, ay makikita ang kanilang naging paghahanda, mula sa pagsunod sa mga safety protocols pagdating sa airport at pagsakay ng eroplano.

Credit: @chekakramer Instagram

Excited man sa kanilang naturang bakasyon, sinigurado pa rin ng kanilang buong pamilya na sila ay magiging ligtas, lalo na ang kanilang mga anak na sina Kendra, Scarlet at Gavin na siyang makikita na nakasuot ng mga protective coat, face mask at face shield upang maging ligtas.

“Flying with this big group to Boracay! We are all so excited esp the kids. So happy that this happened. ❤ We took all safety precautions and requirements before flying.”



Credit: @chekakramer Instagram

Pagdating naman sa eroplano, ay makikita ang kanilang napakalaking grupo na sabay sabay pumunta ng Boracay.

Tila nga`y isang dream come true para sa kanila ang muling masilayan ang Isla ng Boracay at sulitin ang pagkakataong ito na mag-enjoy kasama ang buong pamilya.

Credit: @chekakramer Instagram

“Everyone sooo excited to visit an island that’s so close to our hearts. Boracay, here we come! ❤😍🏝 #AirAsiaPh #AirAsiaInBoracay”

The post Chesca at Doug Kramer, kasama ang buong pamilya na bumalik sa isla ng Boracay para sa isang napakasayang bakasyon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments