Anak ni Pokwang na si Malia, tuwang tuwa na nakipaglaro ng sawsaw suka sa kanyang mommy at ate

Magmula sa mga tradisyunal na laro na nauso noon, na siyang kinagiliwan ng mga bata bukod sa mga laruan ay maaari na din gawing libangan ang paglalaro ng mga ito.

Ang kilalang bahay-bahayan, Chinese garter, Luksong Baka, Patintero at Piko ay isa lang naman sa mga tradisyunal na nilalaro ng mga bata sa labas ng bahay.



Credit: @itspokwang27 Instagram

Ngunit dahil hindi pa maaaring maglaro sa labas ng bahay ngayon, ang mga indoor games ang siyang maaaring laruin at gawing libangan habang nasa loob lamang ng tahanan.

Kaya naman ang isa sa mga kilalang kids’ internet sensation ngayon na si Malia O`Brian, ay naging libangan na rin ang paglalaro ng Sawsaw Suka, na siyang isa sa mga tradisyunal na hand game na nauso mula pa noon.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Sa panibagong video ni Malia, na makikita sa Instagram post ng kaniyang Mommy na isang aktres at komedyante na si Pokwang, ay kapansin-pansin ang tila`y pag-eenjoy ni Malia habang nilalaro ito kasama ang kaniyang ate at mommy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


“ayan na nag saw saw sukâ mahuli taya na si tisay @malia_obrian Hahaahahaahaa.”

Hindi pa man lubusang mabigkas ni Malia ang paglalaro ng Sawsaw Suka, hindi naman maitatanggi na lubos itong nag-enjoy sa paglalaro.

Credit: @itspokwang27 Instagram

Mula sa video ni Malia, umani naman ito ng papuri at kasiyahan sa mga netizen dahil sa cute na reaksyon nito habang naglalaro ng Sawsaw Suka.

“Hahaha nakaka hawa Yong tawa ni tisay. ❤❤❤

“Sarap tumawa ni Tisay hahaha”

Credit: @itspokwang27 Instagram

“Cute😘😘😘OMG, the laugh😍

“Super cute hahahahha nakakatanggal ng istress at nagbibigay tuwa.”

“Sawsaw suka 😍 ang cute mo tisay.😘❤



Bukod sa taglay na cuteness at nakakahawang tawa ni Tisay, hindi naman nakaligtaan nito na tumulong pa rin sa gawaing bahay, katulad ng pagtulong niya sa kaniyang Mommy Pokwang sa paglilinis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)


“Sipag ni tisay @malia_obrian. Wag daw maingay tulog si buddha hahhahahaha.”

Sa murang edad pa lamang ni Malia, marami na ang humanga sa kaniyang katalinuhan at bibong personality na patuloy na inaabangan ng karamihan.

The post Anak ni Pokwang na si Malia, tuwang tuwa na nakipaglaro ng sawsaw suka sa kanyang mommy at ate appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments