Coleen Garcia, ipinasilip ang masayang kantahan at tawanan nina Billy Crawford at baby Amari

Kung cuteness overload at katatawanan lang naman ang hanap mo, paniguradong ang eksenang ito ang swak na swak para sa mood mo.

Dahil ang panibagong video ni Baby Amari, ay nagmistulang panggigilan ng karamihan dahil sa kaniyang napakacute na mukha at nakakahawang tawa na siyang kukumpleto sa iyong araw.



Credit: Coleen Garcia Crawford on Instagram

Mula sa video na ibinahagi ng aktres na si Coleen Garcia-Crawford, ay makikita ang father and son bonding moments ni Baby Amari at ng kaniyang Daddy na isang TV host at singer na si Billy Crawford.

Credit: Coleen Garcia Crawford on Instagram

Bahagi ng bonding moments nila mag-ama ay ang palagiang pagkanta ng kaniyang Daddy, ng favorite song nito na laging kinakanta ni Billy noong si Baby Amari ay nasa loob pa ng tiyan ni Coleen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Dahil dito tila`y nagsilbi na ngang Happy Song ang kanta na ito ni Billy para sa kaniyang anak, at mapapansin ang panaka-nakang pagngiti ni Baby Amari habang nakatitig ito sa mukha ng kaniyang Daddy Billy.

Magmula sa cute na reaksyon na ito ni Baby Amari ay tiyak na panggigilan mo rin ang kaniyang pisngi at mahahawa sa kaniyang munting mga halakhak.

Credit: Coleen Garcia Crawford on Instagram

Ngunit bukod sa pagiging cute ni Baby Amari, magbibigay aliw naman sayo ang nakakatawang reaksyon ng isa sa mga alagang aso nina Coleen at Billy na si Tamomo.

Makikita na habang kinakantahan ni Billy ang kaniyang anak, ay sa kaliwang bahagi nito ay mapapansin naman ang tila`y nagseselos na tingin ni Tamomo at parang gusto rin umanong kantahan siya ni Billy.



Credit: Coleen Garcia Crawford on Instagram

Dahil sa eksenang ito ni Tamomo, hindi naman napigilan ng ilang netizen ang matawa sa nakitang reaksyon nila sa aso nina Coleen.

“Yung dog nakatingin lang. Ngseselos 😂😍

“lagi kong nakikita yung doggo ang cute😍, nagseselos ata sya😍❤

Credit: Coleen Garcia Crawford on Instagram

“Selos na selos na si doggy! Hahhaha cuteee”

“May naiingit sa likod 😅😁

“Super cute ng aso parang nagseselos eh😊

Isinilang ni Coleen si Baby Amari noong September 10, sa pamamagitan ng water birth.

The post Coleen Garcia, ipinasilip ang masayang kantahan at tawanan nina Billy Crawford at baby Amari appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments