Nikki Gil, ibinahagi ang kanyang mga lumang larawan na kahawig mismo ng kanyang anak na si Finn

Sa kaniyang angking ganda na minahal at tinangkilik ng masa, sino ang mag-aakala na ang taglay niyang mala diwata ay may carbon copy pala.

Credit: @nikkigil on Instagram

Marami sa kaniyang tagahanga ay sang-ayon na siya ang naging kamukha, at dahil sa kakaibang ganda na meron siya ay kinaiinggitan talaga ito ng ilang kababaihan at napapasabi na lamang ng “Sana all talaga”.

At sa isang banda, ang mala anghel na mukha ng aktres at singer na si Nikki Gil ay mayroon din palang boy version niya.



Credit: @nikkigil on Instagram

Hindi ito netizen o celebrity, dahil ang mismong anak niya na si Finn ang siyang maituturing na kaniyang kamukha at hindi maitatanggi na boy version nya nga talaga.

Mula sa Instagram post ni Nikki, ay makikita ang larawan ng kaniyang anak na si Finn na kapansin-pansin ang mga cute na ngiti nito habang tila’y hawak-hawak pa ang kinakain, samantalang katabi ng larawan ni Finn ay ang mga childhood pictures ni Nikki nung ito ay kasing edad lamang ang kaniyang anak.

Credit: @nikkigil on Instagram

Makikita sa caption nito ang kaniyang pagiging aminado na kamukha niya ang kaniyang anak na si Finn base sa larawan nito.

“Nyahahahaha 😂 Finn looks like mama sarrrehhh dada @bj_albert”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Bukod pa rito hindi lamang si Nikki ang nakapansin ng kanilang pagkakamukha ni Finn, kung hindi pati na rin ang mga netizen ay nakisang ayon rin sa caption ng aktres.

“Agree👏😂

“Oo nga noh!!!! 😱😂☕

Credit: @nikkigil on Instagram

“Oh definitely 😆

“Oo nga💓💓💓

“Awww!!! I can’t agree more!😘 Too cute!!!”

Ngunit kung marami man ang sang-ayon kay Nikki, mayroon din naman ang hindi kumbinsido at tila`y kamukha pa din daw ni Finn ang kaniyang Daddy na si BJ Albert.

Credit: @nikkigil on Instagram

“Hep hep hep. Abangan po natin pag binata na po. Beke mag iba. Hehehe ✌

“hahaha no its more of his Dada i think 😜



Credit: @nikkigil on Instagram

“Omg!! Kala ko look alike ng dady”

Ang anak ni Nikki na si Finn ay isinilang ng aktres noong November 20, taong 2017.

The post Nikki Gil, ibinahagi ang kanyang mga lumang larawan na kahawig mismo ng kanyang anak na si Finn appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments