Anak ni Rodjun Cruz na si Baby Joaquin, napapagaya sa kanyang daddy habang pinapanood ito na sumasayaw sa TV

Sa kaniyang mala astig at lambot ng katawan sa paggiling, tiyak na ikaw ay mapapasayaw din mula sa kaniyang mga dance videos na siyang kinagigiliwan hindi lamang ng mga netizens pati na rin ang ilang celebrities.

Mapa Tiktok videos man o di naman kaya mga dance performance sa stage, hindi maitatanggi na ang aktor at dancer na si Rodjun Cruz ay sinusubaybayan at naging daan na nga upang magsilbing inspirasyon sa karamihan.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Ngunit hindi lamang ang mga netizens at mga celebrities ang kaniyang pinahanga at pinabilib sa sayawan kung hindi pati na rin ang kaniyang anak na si Baby Joaquin Ilustre ay namangha din sa naging dance performance nito.



Sa video na ibinahagi ni Rodjun sa kaniyang Instagram account ay makikita ang naging panonood ni Baby Joaquin habang nakatitig at aliw na aliw na nakatingin sa kanilang TV na tila’y nagustuhan ang kaniyang pinapanood.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Ngunit ang pinapanood pala ni Baby Joaquin ay ang naging dance performance ng kaniyang Daddy Rodjun sa isang segment ng noontime show ng Eat Bulaga, ang “Social Disdancing” na kung saan ay nakasama rin niya dito ang mga EB hosts na sina Alden Richards, Maine Mendoza, Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

“Thank you for watching Daddy again @babyjoaquinilustre!😍🎉🙏🏻 Love you! Nakikisayaw din siya ng Conga Eh!👏🏻 #SocialDisdancing @eatbulaga1979 #BabyJoaquinILustre #MyLife #AnsweredPrayer #RodolfoJoaquinDiegoIII”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)


Sa video ito ni Baby Joaquin ay tila’y proud na proud ito sa kaniyang Daddy habang pinapanood ang naging dance performance nito.

Dahil dito labis naman ang kasiyahan na naramdaman ni Rodjun nang makita ang cute na reaksyon ng kaniyang anak.



Sa isang banda ay hindi naman nakalimutan ni Rodjun na pasalamatan ang mga taong nanood at sumuporta sa kaniyang naging dance performance sa Eat Bulaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)


“Happy Saturday family!🎉🎄 Salamat sa lahat ng nanood ng Eat Bulaga at nakisayaw samin sa Social Dis-dancing 🙏🏻 @illestph”

Credit: Rodjun Cruz Ilustre Instagram

Ikinasal si Rodjun sa kaniyang beautiful loving wife na si Dianne Medina noong December 21 taong 2019 sa Manila Cathedral.

Isinilang naman ang napaka cute na si Baby Joaquin noong Setyembre 10 ngayong taon.

The post Anak ni Rodjun Cruz na si Baby Joaquin, napapagaya sa kanyang daddy habang pinapanood ito na sumasayaw sa TV appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments