Sofia Andres, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanyang napakagandang anak na si baby Zoe

Sa bawat taon na lumilipas, isa sa mga kadalasang inaabangan bukod sa masayang tawanan at handaan na pinagsasaluhan sa bawat okasyon o kasalan, ay ang espesyal na kaarawan na ating ipinagdiriwang mapa simple o magarbo man.

Credit: @iamsofiaandres Instagram

Tila’y ang taon na ito ay isang malaking biyaya para sa aktres na si Sofia Andres, ang pagpapakilala sa kanilang baby ng kaniyang kasintahan na si Daniel Miranda na si Zoe Natalia, at ng katatapos lamang na 1st birthday celebration nito.

Credit: @iamsofiaandres Instagram

Bilang isa na rin sa nga hands-on celebrity mom ngayon, hangad ng aktres ang “The Best” para sa kaniyang anak na si Zoe, kaya naman ang pagsalubong at pagdiriwang ng kaarawan nito ay nagmistulang fairytail sa ganda magmula sa design at set-up nito.



Credit: @iamsofiaandres Instagram

Kung ang mga nausong cartoon character noon na sina SpongeBob, Doraemon, Dora the Explorer at marami pang iba ang siyang kinagiliwan ng mga bata, ngayon naman ang sikat na American YouTube channel at streaming media shows na Cocomelon ang siya naman ngayong kinahuhumalingan.

At isa na nga sa mga nahumaling dito ay si Baby Zoe na marinig pa lamang ang tugtog nito ay siyang napapaindak at mababakas rin ang excitement na mapanuod ito.

Credit: @iamsofiaandres Instagram

Kaya naman hindi nagdalawang isip si Sofia na ganito ang ibigay na birthday celebration sa kaniyang anak, magmula sa mga disenyo at backdrop set-up nito na Cocomelon theme na tiyak na magugustuhan ni Baby Zoe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Ngunit hindi lamang sa backdrop design mo masisilayan ang Cocomelon, kung hindi pati na rin sa mga giveaways na Cocomelon backpack at 3D bolster pillows na nagustuhan ng kaniyang pamilya.

Sa selebrasyon na ito ay nakasama nina Sofia, ang mga taong malalapit sa kanilang pamilya, kaya naman hindi naging hadlang ang pandemyang nararanasan upang ipagdiwang ang espesyal na kaarawan ni Baby Zoe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


Magmula sa mga baloons at naglalakihang backdrop design, hindi naman maitatanggi sa mukha ni Baby Zoe na labis na nagustuhan nito ang mga inihandang surpresa para sa kaniyang kaarawan.

Matapos ang selebrasyon na ito, labis din naman ang naging pasasalamat ni Sofia sa mga taong naging bahagi at kanilang nakasama sa mahalagang okasyon na ito sa kanilang anak.



Credit: @iamsofiaandres Instagram

“Of course, my love’s first birthday will not be possible without these people who put so much love effort for Zoe! This is just an intimate celebration for her. People that are super close with us. Thank you for making this memorable for my daughter. 🎈

The post Sofia Andres, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanyang napakagandang anak na si baby Zoe appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments