‘Like Mother, Like Son’ Kilalanin ang panganay na anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na taglay ang karisma at kagwapuhan

Isang napakalaking biyaya para sa Kapuso actress at celebrity mom na si Jennylyn Mercado ang pagdating ng kaniyang panganay na anak na si Alex Jazz.


Credit: @mercadojenny on Instagram

Tila nagsilbing lakas at sandalan ni Jennyln ang kaniyang anak sa kabila ng mga kinaharap na kontrobersiya at pagsubok noong mga panahon na ipinagbubuntis pa lamang niya ito.

Nagsilbing inspirasyon si Jazz para sa celebrity mom na mas lalong maging matatag bilang isang ina at mas pag-igihan pa ang kaniyang pagtatrabaho sa mundo ng showbiz, upang maibigay rito ang maganda at kumportableng buhay.


Credit: @mercadojenny on Instagram

At kahit isa ng teenager ngayon ang kaniyang anak ay hindi maitatanggi ang pagiging malapit ng dalawa sa isa’t-isa, na siyang bagay na hindi mawawala sa kanila.

Kahit busy man si Jennylyn sa pagiging hands-on mom sa kaniyang bunsong anak na si Dylan Jayde, ay hindi naman naging hadlang ito para sa kaniya na magkaroon ng oras at panahon upang makasama at maka-bonding ang kaniyang panganay na anak.


Credit: @mercadojenny on Instagram

Sa katunayan nga nito ay muli na namang pinag-usapan sa social media ang kaniyang anak na si Jazz, matapos umani ng maraming papuri at komento mula sa mga netizens ang larawan at video nito, habang sila ay nasa loob ng isang beauty and wellness clinic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


Makikita sa Instagram post ng aktres ang kanilang masayang pampering bonding moment, na kung saan ay makikitang nakahiga at nakahanda na si Jazz para sa gagawing skin procedure para sa kanya.




Credit: @mercadojenny on Instagram

Tunay ngang sa edad na 14, ay taglay na ni Jazz ang angking kagwapuhan at karisma na siyang namana niya sa kaniyang mommy Jennylyn at sa kaniyang ama na si Patrick Garcia.

Hindi maitatanggi na habang nagbibinata ang kaniyang anak ay mas lalo ngang lumalabas ang taglay na kagwapuhan nito, kaya naman marami sa mga netizens ang nabighani at nagsasabi na maaari nang sumabak sa pag-aartista si Jazz tulad ng kaniyang mga magulang.


Credit: @mercadojenny on Instagram

“Hi Jazz! Your binata na talaga and so Pogi! 😍😍😍

“ang gwapong bata naman nito! 😍


Credit: @mercadojenny on Instagram

“Getting even more pogi! 😍

“Wow pogi.,..looks like Pat but i see Dennis Trillo jr. N him.😍😍❤

The post ‘Like Mother, Like Son’ Kilalanin ang panganay na anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na taglay ang karisma at kagwapuhan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments