Aktres na si Sylvia Sanchez, masayang-masaya sa pagkikita nila ng kaniyang inaanak na si Baby Kiko at matalik na kaibigan na si Smokey Manaloto

Matagal na panahon rin ang kaniyang hinintay bago dumating ang napakalaking biyaya sa kaniyang buhay, na nagpabago sa kaniyang pananaw bilang isa ng ganap na tatay ngayon.


Credit: @sylviasanchez_a on Instagram

Marami man ang nagsasabi na nahuli na siya sa biyahe at wala ng pag-asa na magkaroon ng anak sa kabila ng edad ngayon na 51, ay tila hindi naman inaasahan ni Smokey ang pagdating ng kaniyang gwapong anak na si Baby Kiko.


Credit: @smokey_manaloto on Instagram

Sa TikTok video na ibinahagi noon ng aktor ay dito masayang inilahad ni Smokey ang bawat kaganapan, sa naging pregnancy journey nila ng kaniyang non-showbiz partner na si Cassie Brazal.

August 4, 2022, sa ganap na 12:35 ng umaga nang isilang ni Cassie ang kanilang napakagwapong anak na si Baby Kiko.


Credit: @smokey_manaloto on Instagram

Ibang-iba nga ang hatid na kaligayahan ni Baby Kiko sa kaniyang naging pagdating sa buhay ng kaniyang mga magulang, kaya naman hindi lamang mga netizens ang natuwa para sa aktor at sa kaniyang non-showbiz partner, kundi maging ang best friend ni Smokey na si Sylvia Sanchez ay inilahad rin ang kaniyang labis na suporta at kasiyahan para sa kaibigan.


Credit: @smokey_manaloto on Instagram

Sa unang pagkakataon ay nasilayan at nakasama na ng Kapamilya actress na si Sylvia si Baby Kiko na tinawag niya bilang kaniyang apo at inaanak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)


Sa mga litratong ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram ay makikitang bumisita sina Smokey sa bahay ng aktres kasama ang gwapong anak nito na si Baby Kiko.


Credit: @sylviasanchez_a on Instagram

Nakasama rin sa masayang bonding moment na ito ang kanilang malalapit na kaibigan sa showbiz na sina Ice Seguerra at asawa nitong si Liza Diño.




Credit: @smokey_manaloto on Instagram

Sa kanilang mga larawan ay talaga nga namang makikita ang masayang pag-welcome ni Sylvia sa kaniyang inaanak, at inilahad rin nito ang kaniyang labis na kasiyahan at pagmamahal para sa kaniyang best friend na si Smokey.


Credit: @sylviasanchez_a on Instagram

Aniya, “Ang saya saya ng bestfriend ko. Love you always tatay @smokey_manaloto may dumagdag na sa pamilya natin @iamcassiebrazal at si Kiko, dumadami na tayo at tumatanda na tayo #thankuLORD ang saya, saya. Ang gwapo gwapo ng apo/inaanak ko”


Credit: @sylviasanchez_a on Instagram

The post Aktres na si Sylvia Sanchez, masayang-masaya sa pagkikita nila ng kaniyang inaanak na si Baby Kiko at matalik na kaibigan na si Smokey Manaloto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments