Alfred Vargas, nagpakitang gilas sa pagsasayaw kasama ang kanyang mga magagandang anak

Isa sa mga talagang mahalagang tagpo ay ang mga simpleng mga kaganapan kasama ang mga taong mahal mo sa buhay, mapa bongga pa man yan o simple tiyak talaga na Good vibes ang dala nito sa iyo.


Credit: Vargas Na Pag-Ibig Facebook

Sa isang post ni Alfred Vargas ay makikita ang TikTok Video kasama ng kanyang dalawang anak na babae. Sumasayaw nga sila sa saliw ng sikat na kanta na kinaaliwan ngayon na Last Christmas, “Episode 2 with my daughters” aniya sa kanyang post.


Credit: Vargas Na Pag-Ibig Facebook

Kitang kita nga ang gandang dalaga ng kanyang mga anak na sila Ching at Ary na nakasuot pa nga ng puting dress.

Nasa gitna nga nilang dalawa ang kanilang poging pogi na daddy na si Alfred, na nakangiti pa habang sumasayaw.

Umabot na nga sa higit 740k na heart react ang nasabing video sa TikTok pa lamang.

Madami naman sa mga netizen at mga taga suporta nito ang talaga nga namang binati ang gandang lahi ng pamilya Vargas, “Ganda naman ang mga anak mo”, “cute” at mayroon pa ngang nagbiro na kung pwede bang makipag friends sa mga anak nya at may nag sabi pa ng “mano po tatay” na tila nga sinasabi na parte na ng pamilya.




Credit: @alfredvargasofficial on Instagram

Si Alfredo Paolo Dumlao Vargas III professionally known bilang Alfred Vargas, ay isang Filipino politician, actor, at model na nagsisilbing representative ng Quezon City’s 5th district mula noong 2013. Nang nakaraan lang din nang nagsilbi sya bilang city councilor sa 2nd district naman Quezon City mula ng 2010 hanggang 2013.


Credit: @alfredvargasofficial on Instagram

Bilang actor naman, nakilala sya sa kanyang pag ganap bilang Aquil at Amarro sa Encantadia. Nakatanggap na din sya ng maraming parangal, mapa politics man o pagiging aktor.


Credit: @alfredvargasofficial on Instagram

Noong 2010 nang sya ay maikasal sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Yasmine Espiritu. Mula nang naging mag asawa ay nagkaroon na sila ng tatlong nagagandahan at gwapong anak na sila Ching, Ary, at Baby Alfredo.

The post Alfred Vargas, nagpakitang gilas sa pagsasayaw kasama ang kanyang mga magagandang anak appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments