Chynna Ortaleza, proud na ibinahagi ang angking talento sa pag-arte ng kaniyang bunsong anak na si Salem

Kinilala ang aktres at celebrity mom na si Chynna Ortaleza dahil sa kaniyang mga kontrabida roles na talagang tumatak at naging patok sa panlasa ng Pinoy dahil sa kaniyang husay at galing sa pagganap sa mga pelikula at teleserye.


Credit: @chynsortaleza on Instagram

Kaya naman hindi kataka-takang sa bawat roles na kaniyang ginagampanan, ay ganoon na lamang rin ang kaniyang natatanggap na suporta at pagmamahal mula sa kaniyang fans na labis na humahanga sa kaniyang taglay na talento sa pag-arte.

Ngunit tila hindi lamang ang kaniyang mga fans ang nahumaling at napabilib sa kaniyang acting skills, kundi maging ang kaniyang bunsong anak na si Salem, na isinilang ni Chynna noong September 25, 2019, ay isa rin sa mga fan ng aktres na gustong sumunod sa kaniyang yapak.


Credit: @chynsortaleza on Instagram

At dahil nananalaytay sa dug0 ng aktres ang pagiging mahusay na artista ay hindi maikakailang maging ang anak na si Salem ay namana ito mula sa kaniya.

Ito nga ang bagay na pinatunayan ng kaniyang 3-year-old son na si Salem, matapos ibahagi ni Chynna sa kaniyang Instagram ang video ng kaniyang anak habang ito ay umiiyak.


Credit: @chynsortaleza on Instagram

Makikita sa video ang tila pagiging emosyonal ni Salem at ilang segundo lamang ang nakalilipas ay makikita na ang pagtigil ng pag-iyak nito.

Ayon pa sa iniwang caption ng celebrity mom sa kaniyang naturang post, “When your son flexes his skills at age 3”.


Tunay ngang sa murang edad pa lamang ng kaniyang anak ay pwedeng-pwede na itong isabak sa mga acting workshops.

Dahil sa kahanga-hangang pag-arte ni Salem ay umani agad ito ng paghanga mula sa mga netizens, at marami sa mga ito na nagsasabing pwede na raw maging artista ang kaniyang anak.


Credit: @chynsortaleza on Instagram

“It’s a big YES for me! Bagay sa kanya umakting! ❤❤❤😍😍😍

“Beginnings of a good child actor hahaha❤




Credit: @chynsortaleza on Instagram

Maliban kay Salem ay mayroon pang isang anak si Chynna sa kaniyang asawa na isang OPM singer na si Kean Cipriano, ang kanilang panganay na anak na si Stellar, na isinilang naman ng aktres noong April 20, 2016.


Credit: @chynsortaleza on Instagram

Unang ikinasal sa civil wedding ceremony sina Chynna at Kean noong taong 2015, na nasundan naman ng isang intimate church wedding na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan noong taong 2017.

The post Chynna Ortaleza, proud na ibinahagi ang angking talento sa pag-arte ng kaniyang bunsong anak na si Salem appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments