Iwa Moto, labis na nagulat at natawa sa naging sagot sa kanya ng batang namamalimos

Sa mata ng karamihan, ang mga batang lansangan ay ang mga batang Pilipino na naghahanapbuhay sa kalye lamang o kalsada, na walang permanenteng tirahan at umaasa lamang sa paglilimos upang matugunan ang pang araw-araw na pangangailangan.


Credit: @iam_iwa on Instagram

Ganiyan nga kung ilalarawan ang buhay ng mga street children na madalas nating makita sa bawat lugar na ating mapupuntahan.

At bilang isang dating Kapuso actress na si Iwa Moto ay kaniyang ibinahagi ang nakakatawang eksena na kaniyang naranasan nang minsan siyang pumunta at bumili sa isang shop sa loob ng kanilang village.


Credit: @iam_iwa on Instagram

Sa kaniyang naging story time na ibinahagi ng aktres sa kaniyang TikTok account, ay dito inilahad ni Iwa ang mga street children na humihingi ng limos sa kaniya.

Pagbabahagi ng dating “Starstruck” avenger na si Iwa, “Story time! May binili ako sa isang shop dito sa loob ng village namin. So nung pagpasok ko, I did not bring anything. Hindi ako nagdala ng bag, ang dala ko lang ay susi ng kotse at tsaka telepono ko kasi nga may e-wallet naman doon.”


Credit: @iam_iwa on Instagram

Matapos ang kaniyang naging pamimili sa loob ng shop ay nakita niya sa kaniyang paglabas ang tatlong bata na nag-aabang sa kaniya.

Aniya, “So nabili ko na yung kailangan kong bilhin. Tapos paglabas ko ng pintuan, as in paglabas ko, may tatlong bata,”


Credit: @iam_iwa on Instagram

“Sabi nung pinakamatangkad, ‘Ma’am, ma’am, pangkain lang po kasi gutom na kami’. Sabi naman nung middle na bata, para raw makauwi na sila.”

Pagpapatuloy ng aktres, “So sumagot ako. Sabi ko, ‘wala akong barya e’, sabi kong ganun,”

Tila hindi naman inaasahan ni Iwa ang nasaksihan at laking gulat pa nga niya matapos sabihin ng batang maliit na nanlilinos na tumatanggap ito ng pera sa pamamagitan ng e-wallet app, na kung saan ay naglabas pa nga raw ito ng telepono sa kaniyang harapan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iwa Moto (@iam_iwa)


Ayon sa aktres, “Alam n’yo ba kung anong sabi nung maliit na bata? ‘Ma’am, ako po tumatanggap ng GCash.”

“I was like, ano?!”


Credit: @iam_iwa on Instagram

Napakunot na lamang ang noo ni Iwa at na-speechless sa kaniyang narinig at nasaksihan.

Dagdag pa niya, “Hindi ko na alam ang gagawin ko. And take note, inabangan nila akong tatlo dito sa pintuan [ng kotse ko]. As in nakaabang sila,”

Dahil sa nakakatawang story time na ito ng dating Kapuso Star ay marami sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga komento at napa sana all na lamang sa tatlong batang lansangan na humingi ng limos sa aktres.




Credit: @iam_iwa on Instagram

“Hahaha naol my gcash ako kasi walang gcash talaga hahaha”.

“Hightech na pala ng namamalimos ngaon hahahahahaha 😂🤣😂🤣”.


Credit: @iam_iwa on Instagram

“Aba talaga nga naman pagkagaling nang mga batang iyon may cellphone pa para pang gcash training na training ah👏👏👏🙌😂😂😂”.

“Mabuti pa Yung namamalimos may gcash 😂

The post Iwa Moto, labis na nagulat at natawa sa naging sagot sa kanya ng batang namamalimos appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments