Sa naging paghagupit ng bagyong Paeng sa ating bansa, ay marami nga sa ating mga kababayan ang labis na naapektuhan at nakaramdam ng tak0t at pangamba.
Kabilang na sa mga ito ang ilang mga kilalang personalidad sa showbiz, na talaga namang labis ang naramdamang kalungkutan sa hindi malilimutang karanasan sa pananalanta ng bagyong Paeng.
Isa na nga rito ang “The Voice Kids Philippines” season 1 grand winner na si Lyca Gairanod, na nagpahatid ng kalungkutan matapos maapektuhan ang lumang bahay na kaniyang kinalakihan at kasalukuyang tirahan ngayon ng kaniyang Lola sa tabing dagat.
Ang kanilang lumang bahay na ito ay matatagpuan sa Tanza, Cavite, na ilang beses na ring ipinasilip ni Lyca sa kaniyang mga viewers.
Sa latest vlog na ibinahagi ni Lyca sa kaniyang YouTube channel at sa kaniyang naging live sa kaniyang Facebook page, ay dito makikita ang pagkasira ng kanilang lumang bahay sa tabing dagat.
Makikita sa video na tanging dingding at kurtina na lamang ang natira, at ang sahig ay tuluyan na ngang nasira.
Kwento pa ni Lyca, “Sobrang daming pamilya na naapektuhan dito tulad ng ibang bahay na nandito, wala na talaga silang matirhan.”
Hindi napigilan singer ang labis na kalungkutan sa pinsalang naranasan at ang maging ang kaniyang lola ay hindi napigilang maging emosyonal sa nangyari.
Aniya, “Malungkot na naman ang araw natin ngayon. Nasira yung bahay namin dati. Nawalan na ng sahig. Sad ang lola ko. Ang iniingatan niyang bahay natangay ng bagyo.”
“Sobrang nasa-sad yung lola ko, siyempre simula noong dito ako pinanganak, 17 years ko nang nakasama itong bahay so nasira lang siya ng bagyo.”
Kapansin-pansin ang ilan sa mga kagamitan ng kaniyang lola na natangay rin ng malakas na alon at ang ilan sa mga sira-sirang kahoy na nagmula naman sa nawasak nilang sahig.
“Patawa-tawa lang ang lola ko pero malungkot ’yan. Ako din naman, nasa-sad din ako pero hindi lang kami ang naapektuhan nito. Sobrang daming naapektuhan ng bagyong Paeng. Kasi yung iba dito, as in, wala na silang gamit, wala na silang matirahan.”
Ayon pa kay Lyca ay hindi nila umano mapaayos pa ang kanilang lumang tahanan dahil sa malakas pa ang alon at maaaring maulit lamang ang nangyari sa pananalanta muli ng mga susunod pang bagyo.
“Ang gusto ni Lola ipaayos, ipapaayos natin kasi ayaw n’ya talagang pabayaan yung bahay namin. Gusto niya talagang laging nakikita. So wala namang problema doon, kasi matanda na rin ang lola ko, dapat kung saan siya masaya, doon tayo.”
Sa kabila man nang naramdamang kalungkutan, patuloy na nagpasalamat si Lyca para sa lahat ng gustong magpaabot ng tulong pinansyal para sa kanilang lugar.
The post Lyca Gairanod, sobrang ikinalungkot ang pagkasira ng bahay ng kanyang lola sa Cavite appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments