Megastar Sharon Cuneta, ipinasilip ang mga naggagandahan at mamahaling bags at wallet na kaniyang nabili sa South Korea

Kilala ang singer at batikang aktres na si Mega Star Sharon Cuneta bilang isa sa mga kilalang personalidad sa showbiz na taglay ang naggagandahan at mamahaling kasuotan, bags, accessories, at mga sapatos.


Credit: Sharon Cuneta Network Youtube Channel

Hindi na lingid sa kaalaman ng nakararami ang naging viral video kamakailan ni Mega Star patungkol sa isang kilalang luxury boutique sa South Korea, na umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizens dahil hindi umano pinapasok ang aktres.

Sa kabila ng kaniyang viral video na ito ay marami na ring beses na nilinaw ni Sharon, na wala siya umanong sama ng loob sa nangyari sa kaniya sa luxury boutique na Hermès sa South Korea.


Credit: Sharon Cuneta Network Youtube Channel

Ayon kay Mega Star, “Once and for all sabihin ko lang po, I know, of course I know that you need an appointment with an Hermès boutique before you can go. Because I tried in the States and I didn’t have the time to go, so I didn’t go.”

“I just wanna say hindi po ako nagalit nung ‘di ako pinapasok sa Hermès, dahil nagbakasakali lang po ako na baka naman puwede, because usually pag konti lang naman ang clients sa loob yung shoppers, they sometimes let you in.”


Credit: Sharon Cuneta Network Youtube Channel

Paglilinaw pa niya, “Sabi ko nga baka naman, ang joke ko, baka nakita yung laki ng tiyan ko tsaka ng bilbil ko kaya hindi ako pinapasok. Pero joke lang po ‘yun. Wala po akong sama ng loob sa Hermes at lalo pong hindi ako nagwala sa galit kaya ako nag-shopping sa Louis Vuitton.”

“Louis Vuitton has always been good to me and so has Hermes. So, let’s forget about that na, nakakahiya naman, wag na natin silang istorbohin. Hindi ko alam bakit lumaki ‘yun,” saad pa nito.


Credit: Sharon Cuneta Network Youtube Channel

Sa kabila ng ginawang paglilinaw ni Sharon patungkol sa isyung ito, ay masaya naman niyang ipinasilip sa publiko ang mga naggagandahan at mamahaling gamit na binili niya sa Prada at Louis Vuitton.

Ilan sa kaniyang ipinasilip sa vlog ay ang nabili niyang mga keychain at keyholders, tulad ng mga Saffiano metal keychain trick prada key holder, Saffiano leather robot trick keychain at Louis Vuitton Berlingot bag charm and key holder.




Credit: Sharon Cuneta Network Youtube Channel

Maging ang mga mamahaling wallets at bags ay kaniya ring ipinasilip at pinuri ang bawat kulay na kaniyang pinili.

Ilan sa mga ito ay ang large Saffiano at emboss leather wallet, Re-Nylon and Saffiano leather, Nero black Prada duet, Re-edition 2005 at Celeste Prada Duet Re-Nylon shoulder bag.

The post Megastar Sharon Cuneta, ipinasilip ang mga naggagandahan at mamahaling bags at wallet na kaniyang nabili sa South Korea appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments