Kim Chiu, sobra ang pagka-excite sa kinalabasan ng kanyang ipinagawang napakagandang sasakyan

Dalawang taon na ang nakakaraan matapos maganap ang isang hindi malilimutang karanasan ng aktres at Chinita Princess na si Kim Chiu.


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Ang karanasang ito ang labis na naghatid ng tak0t at pangamba sa kaniyang buhay matapos pagbabar!lin ang kaniyang sinasakyang van sa Katipunan Avenue sa Quezon City dahil sa mistaken identity.

Ngunit sa kabila man ng tak0t na naramdaman at hindi malilimutang karanasan, ay mas pinili ni Kim na hindi ibenta ang van na ito sa kadahilanang ito raw ang nagl!gtas sa kaniyang buhay mula sa insidenteng nangyari noon.


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

“Hindi ko talaga binenta tong car na ‘to, kahit may nangyari saking hindi maganda. Pero si-nave niya naman ako e, hindi ko talaga siya ibebenta.”

Ang artista van nga na ito ng aktres ay mas lalo pa niyang pinaganda sa tulong ng kaniyang kaibigan na si Atoy Llave ng Atoy Customs, na siyang matagal ng nag-a-upgrade at nagko-customize ng kaniyang sasakyan simula ng siya ay nag-umpisang mag-artista pa lamang.


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Aniya, “Lahat ng van ko, simula nag-artista ako, si Atoy talaga ang gumagawa ng #artistavan.”

Kaya naman sa panibagong vlog na ibinahagi ni Kim, ay makikita ang napakagandang artista van ng aktres na kaniyang ginagamit sa trabaho, na nagmistulang na ngang bahay sa ganda at mapapabilib ka sa pagka high-tech ng sasakyan nito.




Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

“This is gonna be exciting kasi hindi ko pa talaga nakikita ever, so kasabay ko kayo na makikita kung ano yung magiging itsura. Dahil sabi nila, surprise.”

“Ito talaga yung ginagamit ko sa pang-shooting, pang-taping and long drive.”


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa kaniyang sasakyan ay makikita na ang pagiging elegante nito mula sa kulay puti at cream na interior ng kaniyang van, na siyang malakas nga naman maka mayaman ang vibes.

Ilan sa makikita sa sasakyan ni Kim ay ang kaniyang malaking smart TV screen, smart clock, customized seats and trunk, custom overhead cabinets at ang kaniyang upgraded reclining captain’s chairs.


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Maliban pa dito ay makikita rin ang kaniyang high-tech at napakagandang smart vanity mirror, na siyang perfect talaga para sa kaniyang trabaho at pagte-taping.

Ilan pa sa kanyang ipinasilip ay ang customizable lights, ang kaniyang pull-up bed at maging ang malawak at napakagandang closet area nito sa likod ng sasakyan ay kaniya ring ibinida.


Credit: Kim Chiu PH Youtube Channel

Ang artista van na ito ni Kim ay voice automated rin sa pamamagitan ni Alexa at may sarili ring Wi-Fi sa loob ng kaniyang sasakyan.

“This is my second house kasi parang dito na rin ako nakatira pag nagte-taping or while sh0oting or may ginagawang work na sobrang tagal.”

The post Kim Chiu, sobra ang pagka-excite sa kinalabasan ng kanyang ipinagawang napakagandang sasakyan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments