Andi Eigenmann, natutunan ang paggawa ng buyad o dried fish na kanya naman ding ibinahagi kasama na rin ang sikreto upang mapasarap ito

Marami sa atin ang nangangarap na makapasok sa mundo ng showbiz at makilala ng publiko bilang isa sa mga hinahangaang artista ngayon.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Ngunit marami din naman sa mga kilalang artista ngayon sa showbiz na mas piniling talikuran ang kasikatan at mas damhin ang pagkakaroon ng tahimik at simpleng pamumuhay kasama ang pamilya.

At isa na nga sa talaga namang nagpatunay na napakasayang mamuhay ng tahimik at simple kasama ang pamilya, ay ang dating aktres at celebrity mom na si Andi Eigenmann.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Sa kaniyang pagpili sa napakasaya at simpleng buhay sa isla ng Siargao, ay dito nasaksihan ng publiko ang napakagandang buhay ngayon ni Andi sa piling ng kaniyang fiancé na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.

Marami man ang nanghihinayang sa kaniyang piniling buhay ngayon, ay mas marami naman sa mga netizens ang labis na humahanga sa simpleng buhay ng aktres, lalo na ang kaniyang pagiging isang butihin at ulirang ina sa kaniyang mga anak.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Sa kaniyang paninirahan ngayon sa Siargao ay ipinakita ni Andi ang kaniyang pakikibagay sa mga tao at ang ipinakita nitong effort upang aralin at sanayin ang sarili sa pananalita ng lenggwahe na ginagamit nila sa isla.

Ngunit hindi lamang pamumuhay sa isla at pagsasanay sa lenggwahe ang siyang inaaral ngayon ni Andi, kundi maging ang paggawa ng buyad o mas kilala sa tawag na dried fish ang isa rin sa kaniyang pinagkakaabalahan ngayon.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Ayon sa aktres, ang kaniyang fiancé na si Philmar at mga kaibigan sa isla ang nagturo umano sa kaniya sa paggawa ng buyad na ito.

Aniya, “In-explain lang sa akin ni Papa ng konti kung ‘pano ‘to gawin.”


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

Sa latest vlog na ibinahagi ng celebrity mom sa kanilang YouTube channel na Happy islanders, ay dito ipinasilip ni Andi ang paggawa ng buyad sa Siargao.

Fish, vinegar, salt, pepper, at garlic ang mga kasangkapan na ginamit ni Andi sa paggawa ng buyad. Ngunit maliban pa dito ay mayroon ding ibinahagi si Andi na siyang nagsilbing ‘secret recipe’ sa buyad na kaniyang ginawa at ito nga ay ang paggamit ng saltwater.

Pagbabahagi ng aktres, “So the reason why I like to make homemade buyad (dried fish) is because mahirap makahanap nung hindi gaano kaparat (kaalat or salty). Gusto namin, kami yung magtimpla nung saltiness.”




Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“So instead of using a whole lot of salt, we will use saltwater. From the ocean. Free,” dagdag pa niya.

Matapos ang paghahanda sa buyad ay dito na ibinilad ni Andi ang mga isda at makalipas lamang ng ilang araw ay dito na iniluto ng aktres ang buyad at isinama sa kanilang hapag kainan.


Credit: Happy Islanders Youtube Channel

“It is the next day iche-check na namin yung binuyad namin kung kamusta na siya. Rainy season na, pero thank you Lord dahil maaraw today. Buyad na buyad na siguro yung buyad namin.”

The post Andi Eigenmann, natutunan ang paggawa ng buyad o dried fish na kanya naman ding ibinahagi kasama na rin ang sikreto upang mapasarap ito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments