‘The FAhmeely is complete,’ Dimples Romana, proud na ibinida ang napakagandang family photo matapos maisilang si Baby Elio

“The FAhmeely is complete,” ito nga ang masayang caption ng aktres at celebrity mom na si Dimples Romana, matapos ibahagi ang napakagandang litrato kasama ang kaniyang buong pamilya.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Sa kaniyang Instagram post na kuha mismo ng mahusay at sikat na photographer na si Shaira Luna, ay makikita sa iisang frame na kasama ang kanyang buong pamilya.

Matatandaang lumipad patungong Australia ang panganay na anak nina Dimples at kanyang asawa na si Boyet Ahmee na si Callie, upang ipagpatuloy ang pag-aaral nito ng kolehiyo sa Southern Cross University mula sa kursong Bachelor of Business Major in Aviation Management.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Kasabay ng pagtupad ng pangarap ni Callie na maging isang piloto ay kaakibat rin nito ang pagkawalay sa kaniyang pamilya, na kung saan ay ito rin ang unang beses na hindi nasilayan ni Callie ang kaniyang bunsong kapatid na si Elio simula ng ito ay maisilang ni Dimples.

Kaya naman sa muling pagbabalik ni Callie, ay ganoon na lamang ang labis na kasiyahan ng celebrity mom na muling masilayan ang kaniyang pamilya sa iisang larawan.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Kasama ang ikalawang anak ng aktres na si Alonzo Romeo, ay makikita ang masasayang ngiti sa kanilang mga labi at ang nag-uumapaw na kaligayan sa kanilang mukha sa muling pagsasama bilang isang buong pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Aniya, “•mom of three• A dream come true. All three of my children in one photo.”

Paglalahad pa nito, “When I gave birth to #ElioJuanManolo , Capt @callieahmee was in Australia scheduled to fly actual and could not come home to be here for the birth. But the Lord has ways to make this yearning momma’s heart very happy. I’m so used to praying for others I became uncomfortable na praying for my own prayers. Do you ever feel that too? Undeserving of God’s love and yet made worthy of his blessings and favor. I feel it everyday.”




Credit: @dimplesromana on Instagram

Ayon pa nga kay Dimples, ay tila naging isang emosyonal na pagtatagpo ang naganap sa pagitan ni Callie at kaniyang kapatid na si Alonzo simula ng ito ay makabalik muli ng bansa.

“Nakauwi si ate @callieahmee for a week and finally met her bunso brother and kuya #AlonzoRomeoJose was crying as soon as he saw ate and right up til she had to go.” ani nito.


Credit: @dimplesromana on Instagram

“Lots of uncertainties in life but one thing is for sure, our kids remain to be the biggest blessings we will always have in life. Hope you’re beginning your Monday as blessing filled as mine ☁ count your blessings. I have a feeling this week is going to be EPIC and BEAUTIFUL.”

The post ‘The FAhmeely is complete,’ Dimples Romana, proud na ibinida ang napakagandang family photo matapos maisilang si Baby Elio appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments