Sylvia Sanchez, isiniwalat ang tunay na estado ng relasyon ng anak nyang si Ria at ni Zanjoe Marudo

Sa pamilya, ang mga nanay talaga ang karaniwang unang nakakaalam ng ating mga kaganapan sa buhay, kahit pa nga hindi natin nasasabi, may kung ano sa ating mga nanay na alam nila kung ano ang nangyayari sa ating mga buhay, sa kanilang mga anak.


Credit: @teamataydeofc on Instagram

Kaya nga siguro may katagang “mommy knows best” pagkat bilang ina alam nila kung ano ang makakabuti dahil kilala nila tayo. Kaya hindi pa man natin sinasabi alam na nila.

Sa isa ngang tiktok video mula kay Mj Marfori isang entertainment journalist, ay makikita na tinanong si Sylvia Sanchez, ang mommy nila Arjo Atayde at Ria Atayde, tinanong sya patungkol sa kanyang anak na si Ria at sa rumored boyfriend na si Zanjoe Marudo kung dating ba ang dalawa o nagliligawan, “sabi sa akin dating, pero hindi pa talaga ano, hindi pa sila” paglilinaw nya.

@mjmarfori #fyp #SylviaSanchez #RiaAtayde #ZanjoeMarudo #entertainmentph #mjmarfori #showbiznews ♬ original sound – Mj Romualdez Marfori


Ayon pa nga sa kanya ay natatawa na lamang sya sa mga balitang lumabas patungkol sa kanyang anak at sa rumored boyfriend nga nyang si Zanjoe na pinapakalat na nabuntis na ito nito at kung ano ano pa nga na walang katotohanan, “Hello? Ako muna ang maunang makakaalam nuh? Ako po nanay” mariin nyang sabi.




Credit: @zanri_official on Instagram

Si Ria Atayde gaya ni Sylvia ay isa ding aktres na nagsimula sa isang drama series na ‘Ningning’ at sa variety show na ‘It’s Showtime’ samantala si Zanjoe Marudo ay isa ding actor, nagsimula ang kanyang career matapos nyang maging parte ng Pinoy Big Brother Edition 1 kung saan sya ay naka 4th place, simula noon ay naging maingay na ang pangalan nya sa iba’t ibang drama series at mga pelikula.

Isang bagay nga na mapapatunayan natin na alam ng ating mga ina ang nangyayari sa atin bagamat pa nga kung minsan ay hindi natin sila kasama sa mga ganap ngunit alam nila dahil kilala nila tayo.


Credit: @zanri_official on Instagram

Gaya nga ng sinabi ni Sylvia bilang ina sa kanyang anak na si Ria ay sya nga ang nakakaalam kung kaya hindi dapat paniwalaan ang anumang lumalabas na balita kaagad tungkol sa anak.

Si Sylvia Sanchez ay isang napakagaling na aktres na gumanap na sa mga dekalibreng mga pelikula at drama na mapapanood sa telebisyon.

The post Sylvia Sanchez, isiniwalat ang tunay na estado ng relasyon ng anak nyang si Ria at ni Zanjoe Marudo appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments