Nikki Gil, masayang ipinagdiwang ang unang kaarawan at dedication ng kanilang bunsong anak na si Maddie

Gaano kahalaga na idiwang ang ika isang taon ng anak? Para sa mga magulang sobrang mahalaga ito pagkat ito ay marka na nakasama sila ng isang taon na nagdala sila ng galak na palagi’t lagi na nagpapagaan ng pakiramdam.


Credit: @nikkigil on Instagram

Kung kaya karaniwan isinasabay ito sa binyag bilang pag aalay at pag hingi ng gabay sa buhay ng mga anak. Kaya kung titignan ay mas nagiging espesyal ito.

Sa isang Instagram post ni Nikki Gil-Albert ang videos kung saan ay pinakita dito ang mga kaganapan sa birthday ng kanyang anak na si Maddie.


Credit: @nikkigil on Instagram

Makikita nga kung gaano nag enjoy ang pamilya habang kanilang dinidiwang ang birthday at pag bibinyag dito, “Snippets from Maddie’s dedication and first birthday party last week 🥳🎈I’ve always loved the Madeline books and cartoons so the theme was a no-brainer 🇫🇷” ani nito sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Nag pasalamat pa nga ito sa naging katulong nya sa pag asikaso ng mismong event nya, may pa play area nga sila kung saan ayon sa post ay bouncy castle mayroon ding clown para mag pa entertain sa mga naroon, at syempre may mga pa give away.




Credit: @nikkigil on Instagram

Ayon pa nga kay Nicki ay lubos nya ngang na enjoy ang pag organize ng ganap na ito na halata ngang pinag isipan at pinaghandaan na pabiro pa ngang sinabi na hindi maalala ng anak nya “Needless to say, I enjoyed planning (with @partymagicph ) every detail of this party that Maddie will not remember 🤣

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nikki Gil-Albert (@nikkigil)


Sa huli ay binati nya muli ang anak at nag biro pa, “HBD Maddiecakes! Next party mo gurl, debut na. Lol”


Credit: @nikkigil on Instagram

Isa ngang mainit na pagbati ng happy birthday at welcome sa Christian World Maddie!

Si Monica Pauline “Nikki” Santos Gil-Albert o Nikki Gil ay isang dating Filipino actress, singer, host, model, at video jockey.

The post Nikki Gil, masayang ipinagdiwang ang unang kaarawan at dedication ng kanilang bunsong anak na si Maddie appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments