Aktor at komedyanteng si Smokey Manaloto, umaapaw ang labis na kasiyahan at pasasalamat sa pagkakataon na ibinigay sa kaniya na maging isang ganap na ama sa edad na 51

Maituturing na isang maaga at napakagandang “Christmas gift” ang dumating sa buhay ngayon ng Kapamilya actor at komedyanteng si Smokey Manaloto.


Credit: @smokey_manaloto on Instagram

Tila sa matagal na panahon na kaniyang paghihintay, ay tuluyan na ngang nakisabay si Smokey sa mga sikat na personalidad sa showbiz pagdating sa pagkakaroon ng isang masayang parenthood.

Sa kabila ng kaniyang edad na 51 ngayon, ay hindi lubos makapaniwala ang aktor na kaniyang mararanasan pa na maging isang ama, sa kabila ng mga negatibong komento na natanggap mula sa iba.


Credit: @smokey_manaloto on Instagram

Aniya, “Sabi nila, ‘Wala ka nang pag-asa!’. Sabi nila, ‘Huli na sa biyahe!’. Akala ko huli na, hindi pa pala. Eto na yung something big na nangyari sa’kin!”

Sa pamamagitan ng isang video clip sa kanyang TikTok page noong August 7, 2022, ay dito isinalaysay ni Smokey ang kanilang journey ng kaniyang non-showbiz partner mula nang malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis nito noong Disyembre ng nakaraang taon hanggang sa paglabas ng kanilang sanggol.

@smokeymanaloto First post!!! Welcome to my tiktok account! Enjoy!!! #thebigevent #firsttimedaddy #firstbaby #fyp #foryoupage #firstpost #smokeymanaloto ♬ What I Never Knew I Always Wanted – Carrie Underwood


At makalipas lamang ang dalawang buwan simula nang maisilang ang kanilang napaka-gwapong bundle of joy na pinangalanan nila bilang si Kiko Manaloto, ay talaga nga namang makikita ang labis na kasiyahan ng aktor sa kaniyang pagiging isang ganap na ama sa kanilang anak.

Labis ang naging pasasalamat ni Smokey sa maagang pamasko na kaniyang natanggap sa Panginoon, at sa masayang pamilya na ipinagkaloob nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Smokey Manaloto (@smokey_manaloto)


Saad ng aktor, ““Smo-Kiko” . Lord… maraming salamat po sa Christmas Gift na binigay niyo po sa akin nung August 4.”

Sa kaniyang pagiging first-time dad ay talaga namang makikita ang pagiging hands-on ni Smokey sa kaniyang anak, na kung saan ay bukod sa pag-aalaga ay makikitang sinamahan niya rin ito sa first vaccine moment ni Baby Kiko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Smokey Manaloto (@smokey_manaloto)


Samantala, marami naman sa mga netizens at maging sa mga katrabaho at kaibigan ng aktor sa showbiz, ang nakapansin at namangha sa taglay na kagwapuhan ni Baby Kiko.



Ayon naman sa naging komento ni Smokey ay kaniyang sinabi na nagmana sa kaniyang partner ang kagwapuhan ng kanilang anak.

@smokeymanaloto Ikaw ang tanging dahilan… #fyp #foryourpage #firsttimedad ##tangingdahilan #smokeymanaloto #goodmorning ♬ original sound – Smokey Manaloto


“hahaha! Maganda kasi ang nanay! Hahahah” saad niya.

Marami rin naman sa mga netizens ang nakapansin sa pagkakahawig ng mag-ama dahil sa pagiging singkit nito.

The post Aktor at komedyanteng si Smokey Manaloto, umaapaw ang labis na kasiyahan at pasasalamat sa pagkakataon na ibinigay sa kaniya na maging isang ganap na ama sa edad na 51 appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments