Rocco Nacino, masayang inanunsyo ang pagsilang sa kanilang napakacute na anak na si baby Ezren

Isang napakagandang balita ang hatid sa publiko ng Kapuso hunk actor na si Rocco Nacino, nito lamang Martes, October 11, 2022.


Credit: @nacinorocco on Instagram

Sa kaniyang Instagram post, ay inihayag ni Rocco ang kaniyang labis na kasiyahan ngayon matapos masilayan sa wakas ang kanilang baby boy ng kaniyang asawa na si Melissa Gohing.

Nagsilang ng isang healthy baby boy si Melissa noong Linggo, October 9, na kung saan ay kanilang pinangalanan ang kanilang anak bilang si baby Ezren Raffaello Gohing Nacino.


Credit: @nacinorocco on Instagram

“Hello mga Kapuso! Isa na po kaming ganap na pamilya!”

Bago ang masayang pagtatagpo ng mag-ama ay matatandaan na sa naging panayam ni Rocco sa GMA News “24 Oras” mula sa ulat ni Aubrey Carampel, ay dito inilahad ng aktor ang kanilang naramdamang kaba at tak0t nang hindi inaasahan na biglang pumut0k ang panubigan ng kaniyang asawa.


Credit: @nacinorocco on Instagram

Paglalahad pa ni Rocco ay habang papunta umano sila sa isang family gathering ay dito na nag-break ang water bag ni Melissa, na kung saan ay kaniyang idinetalye na yellow umano ang lumabas na tubig mula sa kaniyang asawa imbis na ito ay maging clear lamang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)


Sa kabila man ng agam-agam at tak0t na naramdaman ay isang healthy baby boy nga naisilang ni Melissa, na kung saan ay makikita naman ang pagiging first-time dad at asawa ng aktor sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa kaniyang mag-ina.

Kwento pa ni Rocco, “Inaalalayan [ko] siya tumayo, maglakad kasi sobrang sakit. Kaya nung ginagawa niya ‘tong mga bagay na ‘to, sabi ko ‘Hanga ako sa mga mommy, lalo na ‘yung mga nag-CS [cesarean].’”




Credit: @nacinorocco on Instagram

Sobrang fulfilled ang naging pakiramdam ni Rocco, na sa kabila ng pagod at halo-halong emosyon ay hindi pa rin matatawaran nito ang saya na naibibigay ni Baby Ezren sa kanilang pamilya.

“Sobrang mapapagod ka. Pagod na pagod ka, mainit ulo mo pero ‘pag nakita mo na yung anak mo na nakatingin sa’yo, ‘pag binuhat mo na, nawawala yung pagod.”


Credit: @nacinorocco on Instagram

Sa pagdating ni Baby Ezren sa kanilang buhay mag-asawa ay marami rin sa mga netizens ang natuwa at inihayag ang kanilang pagbati mula sa mga iniwang komento.

“Congratulations to both of you cool and loving parents. 😍😍😍


Credit: @nacinorocco on Instagram

“Congratulations, Kuya Rocco & Ate Mel! ♥♥♥

“Beautiful picture!!!!❤❤❤❤❤

“Cutie baby EZ ❤👶

The post Rocco Nacino, masayang inanunsyo ang pagsilang sa kanilang napakacute na anak na si baby Ezren appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments