Edu Manzano, masayang dumalo sa kasal ng kaniyang anak na si Addie at fiancé nito na si Jared Glassman

Isa na marahil sa mga pinapangarap ng isang magulang ay ang makitang ikinikasal ang kanilang mga anak sa taong pinili nitong makasama sa h!rap at ginhawa.


Credit: @realedumanzano on Instagram

Napakasarap nga naman talaga sa pakiramdam na matagpuan ang taong magiging kabiyak, na iyong makakasamang bumuo ng isang napakasayang pamilya.

Kaya naman bilang isang ama tulad ng batikang aktor at magaling na host na si Edu Manzano, ay hindi nga mapagsidlan ang kaniyang labis na kasiyahan matapos masaksihan ang pag-iisang d!bdib ng isa sa kaniyang mga anak na si Amanda Danielle o Addie Manzano.


Credit: @realedumanzano on Instagram

Si Addie ay isa sa mga naging anak ng aktor sa dating partner na si Rina Samson na isang dating modelo.

Matatandaang January 3, 2021, nang ibahagi ni Edu sa kaniyang Instagram account ang napakagandang balita patungkol sa engagement proposal na nangyari sa kaniyang anak sa kasintahan nitong si Jared Glassman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Edu Manzano (@realedumanzano)


Pagbabahagi pa niya noon, “This little lady just got engaged to a great guy. Didn’t dawn on me that Addie is now all of 28. Am very happy I went to NY last October to see how much they loved each other. Welcome to the MANZANO Family Mr. Jared Glassman. I wish you both all the love in the world”.


Credit: @realedumanzano on Instagram

At makalipas lamang ang higit sa isang taon simula ng kanilang engagement proposal, ay tuluyan na ngang nagpakasal sina Addie at Jared sa Amerika.

Sa litratong ibinahagi ni Edu sa kaniyang Instagram nito lamang Linggo, September 18, ay masayang ibinahagi ng aktor ang napakasaya at puno ng pagmamahal na larawan ng newlywed couple.



Makikitang nakasama rin sa espesyal na okasyong ito ang ina ni Jared na si Beth London-Glassman at ang ina ni Addie na si Rina.

Ayon sa iniwang caption ni Edu sa naturang post, “Just a few teaser pics of Addie’s & Jared’s (Manzano-Glasssman) wedding the other day. Beautiful to see 2 people so completely in love with each other. I wish them the world.”

Maliban kay Addie ay mayroon pang anak si Edu kay Rina at ito nga si Enzo Manzano, at si Luis ang siyang anak naman ng aktor mula sa dating asawa na si Vilma Santos-Recto.

The post Edu Manzano, masayang dumalo sa kasal ng kaniyang anak na si Addie at fiancé nito na si Jared Glassman appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments