Simula ng kaniyang pasukin ang pagiging isang mahusay na aktor at magaling na komedyante noon, ay marami sa atin na talaga namang minahal at hinangaan ang kaniyang pagiging kwela sa harap at likod ng kamera.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Kaya naman hindi nakapagtataka na marami sa kaniyang mga tagahanga ang nagnanais na muli siyang masilayan sa telebisyon at muling marinig ang kaniyang mga banat na jokes.
Ngunit hindi man masisilayan ang komedyante sa telebisyon, ay maaari naman siyang mapanood ng publiko online, na kung saan ay kamakailan lamang nang pasukin rin ng batikang komedyante ang pagba-vlog.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Tampok nga sa kaniyang mga vlogs ang simpleng pamumuhay sa probinsya at ang pagsub0k sa mga pangunahing pinagkakakitaan at trabaho ng mga tao sa kanilang lugar sa Pampanga.
Ilan na nga sa kaniyang mga sinubukang trabaho ng mga tao sa kanilang lugar ay ang pagiging isang kusinero, ang pagtitinda ng karne sa palengke, ang paggawa ng uling, ang pagiging isang barker sa jeep at pati na rin ang pagiging isang car wash boy.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Tila ang simpleng pamumuhay nga sa Pampanga ang naging daan para kay Jimmy na mas makilala ng publiko hindi bilang isang komedyante, kundi bilang isang simpleng mamamayan na may puso sa kaniyang kapwa at handang tumulong sa abot ng kaniyang makakaya.
At matapos nga masubukan ang ilan sa mga trabahong ito, ay muli na namang pinakita ni Jimmy ang kahalagahan ng trabaho para sa mga ordinaryong mamamayan at ito nga ay kaniyang sinubukan ang pagiging isang construction worker. Aminado ang batikang komedyante na hindi madali ang pagiging isang construction worker at ang mga trabahong ay talagang mahirap.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Aniya, “Talaga namang lahat ng trabaho ay napakahirap.”
Sa kaniyang pagsabak sa trabahong ito, ay personal niyang ginawa ang ilan sa mga karaniwang gawain ng mga construction worker, kabilang na nga rito ang pagbubuhat at paghahalo ng semento, pati na rin ang manual bending ng mga stirrups ay kaniya ring sinubukan.
Tunay nga na ang lahat ng trabaho ay nagsisimula sa mababa, kaya naman bago maging isang foreman ay kinakailangan pagdaanan muna rin ang buhay ng pagiging isang mangagawa, karpintero, at mason.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
Ayon pa kay Jimmy, “Lahat naman ng bagay ngayon talagang nag-uumpisa sa mababa. Kaya lang ‘pag naumpisahan mo na, dapat pag-aralan mo na.”
Sa kabila man ng kaniyang pagkawala sa noontime variety show na Eat Bulaga, ay marami pa rin sa kaniyang mga tagahanga ang natuwa sa panunumbalik ng kanilang iniidolo at ang muling pagbibigay ng update nito patungkol sa kaniyang masaya at simpleng pamumuhay sa Pampanga.
Credit: Jimmy Saints Youtube Channel
“Congrats Jimmy sa bago mung journey kahit wala kna sa eat Bulaga qnjan kparin nakikita parin nmin”.
“Namimiss ko na po kayo makita sa tv.. isa po kayo sa kinalakihan kong komedyante.. God bless po sa inyo”.
The post Jimmy Santos, sinubukan ang mano-manong trabaho ng isang construction worker appeared first on The Trending Planet.
Source: Trending Planet
0 Comments