Assunta De Rossi, ibinahagi ang naging binyag ng kanyang napakacute na anak na si Baby Fiore

Tunay ngang walang imposible sa taong taos pusong nananalangin. Tila ganyan nga mailalarawan ang naging buhay ngayon ng isa sa mga celebrity mom sa industriya ng showbiz tulad na lamang ng aktres na si Assunta de Rossi.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Makalipas ang halos dalawang dekadang paghihintay na mabiyayaan ng isang sanggol, ay sa wakas ipinagkaloob na kina Assunta at sa kanyang asawa na si Jules Ledesma ang pagkakaroon ng isang malusog at napakagandang anak.

Matatandaang Oktubre 23 ng taong 2020 nang isilang ng aktres ang kanilang napaka-cute na anak na kanilang pinangalanan bilang Giulia Fiorentina Alessandra o mas kilala sa palayaw nitong si Baby Fiore.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Maituturing na isang milagro ang naging pagdating ni Baby Fiore sa kanilang pamilya, kaya naman itinuturing rin siya ng mag-asawa bilang kanilang “miracle baby”.

At sa napakabilis na paglipas ng panahon, ang bagong silang lamang noon na si Baby Fiore ay magdidiwang na ng kanyang ika-2 taong kaarawan sa darating na Oktubre.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Ngunit bago pa man maganap ang espesyal na araw na ito, ay atin munang saksihan ang isa sa milestone ni Baby Fiore, ang masayang selebrasyon ng kanyang binyag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sammy Whammy (@assuntaledesma)


Sa mga litratong ibinahagi ni Assunta sa kanyang Instagram account, ay makikitang ipinagdiwang ng kanilang pamilya ang binyag ni Baby Fiore nito lamang July 18, 2022.

Ayon sa kanyang iniwang caption sa naturang post, “Fiore’s baptism 18.VII.2022.”




Credit: @assuntaledesma on Instagram

Makikitang imbitado sa nasabing pagdiriwang ang mga kapatid ng celebrity mom, ang aktres na si Alessandra de Rossi, Isabel at Margherita Schiavone.

Maliban sa kaniyang mga kapatid ay makikitang present rin sa binyag ni Baby Fiore ang kanilang magulang.


Credit: @assuntaledesma on Instagram

Samantala, nagbahagi rin naman ng ilang mga litrato ang kanilang ina na si Nenita Schiavone, na kuha mismo sa naturang event.

Naging simple man ang kanilang pagdiriwang ay tila nag-uumapaw naman sa galak at tuwa si Assunta, na makasama sa espesyal na pagdiriwang ng kanyang anak ang kanilang mga mahal sa buhay.

The post Assunta De Rossi, ibinahagi ang naging binyag ng kanyang napakacute na anak na si Baby Fiore appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments