Angelica Panganiban, masayang nagdaos ng baby shower kasama ang mga kaibigan at mga mahal sa buhay

Ilang buwan na rin ang nakakaraan simula nang gulatin ng aktres na si Angelica Panganiban ang publiko patungkol sa kanyang pagbubuntis sa panganay nilang anak ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ngayon ng soon-to-be mom, matapos niyang malaman ang pagdating ng kanilang munting anghel, na isa sa matagal na niyang hinihintay at pinapangarap sa kanyang buhay.

Nasaksihan ng publiko at maging ang mga tagahanga ni Angelica ang masayang buhay pag-ibig ng aktres kapiling ang kasintahang si Gregg, kaya naman sa pagdating ng blessing sa kanilang pagsasama ay dito na mas lalong lumalim ang suporta at pagmamahal ng publiko sa kanilang relasyon.


Credit: @iamangelicap on Instagram

At bago pa man tuluyang salubungin ang pagdating ng kanilang baby girl, ay isang napakasaya at star-studded na baby shower ang natanggap ni Angelica nito lamang Linggo, July 31.

Sa ibinahaging litrato ng aktres sa kanyang Instagram account ay makikita ang isang napakaganda at enggrandeng under the sea themed baby shower.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Sa mga litratong kanilang naibahagi ay tila makikita ang mga makukulay at naggagandahang bubble-shaped ornaments, at seashell pieces, na sinamahan pa ng mga pastel balloons na nagsilbing backdrop ng naturang venue.

Makikita rin ang isang costumized three-tier cake na siyang angkop rin ang kulay at disenyo nito sa nasabing selebrasyon.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Hindi matatapos ang espesyal na araw na ito sa pagdating ng ilan sa mga kilala at natatanging personalidad sa industriya ng showbiz, tulad na lamang ang ilan sa mga matatalik na kaibigan ng aktres na sina Anne Curtis, Angel Locsin, at Maxene Magalona.

Imbitado rin sa selebrasyong ito ang co-stars ni Angelica sa iWantTFC series ang ‘Call Me Tita’ na sina Agot Isidro at Cherry Pie Picache.




Credit: @iamangelicap on Instagram

Spotted rin sa naturang event sina Kean Cipriano, Ryan Bang, Pooh, Jayson Gainza, Alora Sasam, Director Dan Villegas at DJ Jhai Ho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Dahil sa naging matagumpay at napakasayang baby shower para sa aktres, labis namang pinasalamatan ni Angelica ang lahat ng nakadalo at nakasama sa espesyal na pagtatagpo na ito sa kanilang buhay.


Credit: @iamangelicap on Instagram

Aniya, “Nangyari din sa buhay ko ang magkaron ng sariling baby shower. Napakasarap sa pakiramdam ang makasama ang mga pamilya, kaibigan at kapamilya na tunay na masaya at naka suporta sa pinaka mahalaga at pinaka pinangarap kong papel sa buhay ko. Napakadami namang nagmamahal samin.”


Credit: @iamangelicap on Instagram

“Sa aking starmagic family, sa pagkulit sakin na masaya at kailangan ko ang baby shower sa life ko 🥲 SALAMAT sa pagbuo nito. Sa lahat ng nagpunta at nagpa abot ng pagmamahal. At Syempre sa lahaaaat lahat ng bumuo para maging posible ang araw na ito.” dagdag pa niya.

The post Angelica Panganiban, masayang nagdaos ng baby shower kasama ang mga kaibigan at mga mahal sa buhay appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments