Andi Eigenmann, ibinahagi ang kanyang mga ginawa upang mas mapaganda ang kanyang pangagatawan

Inspirasyon ang naging hatid ng dating aktres at celebrity mom na si Andi Eigenmann sa kanyang mga followers, matapos niyang ibahagi ang kanyang naging fitness journey.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Matatandaang unang buwan pa lamang ngayong taon nang ibahagi ni Andi ang kanyang nakamamanghang fitness journey, matapos isilang ang kanyang ikatlong anak na si Baby Koa noong nakaraang taon.

Ayon kay Andi umabot nga umano sa 175 lbs ang kanyang timbang matapos ang panganganak at makalipas ng sampung buwan siya ay nakapagbawas na nga ng halos 50 lbs.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Aniya, “Looking back on the progress I’ve made from gaining 175 lbs in my 3rd pregnancy to losing 50 lbs after 10 months.”

Tunay ngang nakakabilib ang ipinakitang dedikasyon ni Andi upang makapagbawas ng kanyang timbang at ibalik ang dating ganda at hubog ng kanyang pangangatawan.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Kaya matapos ang ilang buwan ay muling naghatid ng inspirasyon si Andi, matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram account ang update sa kanyang compilation video, na kung saan ay kanyang ipinakita ang dating hugis ng kanyang katawan hanggang sa makamit ang s3xy fit body.

Makikita sa video ang kanyang paggi-gym at ang isa sa kanyang pinagkakaabalahang sport ngayon ang boxing.




Credit: @andieigengirl on Instagram

Aminado ang dating aktres na malaking bahagi ng kanyang fitness journey ang pagda-diet. At ayon pa sa kanya, ang pagkakaroon ng physical activities at pagpili ng tamang sport, na iyong ma-eenjoy sa iyong pagpapapayat ay isa sa mga nakatulong sa kanya.

Pagbabahagi ni Andi, “Disclaimer: The diet plays a big part in this fitness journey, specially when the goal is to shed some weight. But choosing physical activities and sports to enjoy enough to do regularly is a good tip to be consistent!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Dagdag pa ni Andi, ay naging malaking tulong rin sa kanya ang pag-iwas sa mga processed food na pagkain at pagtuunan ng pansin ang tamang pagkain ng mga healthy foods.

“When I challenge myself to achieve something in a specific sport, I get into a mindset of going for it in a holistic way. Most importantly in eating the right nutrient- dense foods that go with the fitness goal!” saad ni Andi.


Credit: @andieigengirl on Instagram

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang komento at na-inspire sa fitness journey na ito ng aktres.

“Such an inspiration. 👏🙌

“Nakaka inspire❤👏👏🔥


Credit: @andieigengirl on Instagram

“Fitspiration!!! Go strong mama!!”

Hindi man madali ang pagpapayat, ngunit ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili at dedikasyon ang siyang magiging gabay mo, upang makamit ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan.

The post Andi Eigenmann, ibinahagi ang kanyang mga ginawa upang mas mapaganda ang kanyang pangagatawan appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments