Celebrity couple Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, nagkaroon ng isang napakasaya at unforgettable trip kasama ang kanilang pamilya

Sa dami man ng mga kontrobersiya ngayon pagdating sa usaping hiwalayan ng mga kilala at sikat na celebrity couple sa showbiz, ay tila patuloy na nagiging matatag ang magandang samahan at matibay na pagmamahalan ng mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Lumipas man ang ilang taong pagsasama bilang mag-asawa, ay pinatunayan nina Sarah at Richard na ang kanilang wagas at tunay na pagmamahalan sa isa’t-isa, ay hindi kailanman matitinag at mas lalong pinatatatag pa kapiling ang kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.

Showbiz man ang pinagmulan ng kanilang matamis na pag-iibigan ay tila ito rin naman ang naging daan sa kanilang dalawa, upang mauwi sa isang masayang pamilya ang kanilang pagsasama.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Kaya naman hindi nakapagtataka na isa ang kanilang pamilya sa nagbigay inspirasyon sa mga nakararami pagdating sa pagkakaroon ng isang masayang pamilya.


Sa kabila man ng busy schedule ng mag-asawa ay walang pinapalagpas na sandali sina Sarah at Richard na maiparamdam sa kanilang mga anak ang kanilang wagas na pagmamahal para sa mga ito.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Ayon pa nga kay Sarah, “The greatest legacy we can leave our children are great adventures and happy memories.”

At dahil kilala ang kanilang pamilya bilang adventurous fam, ay talaga nga namang family goals ang kanilang naging eksena, matapos ibahagi ng celebrity mom ang kanilang masayang family camping adventure sa Barangay Malico, na matatagpuan sa Sta. Fe, Nueva Vizcaya at San Nicolas, Pangasinan.




Credit: @sarahlahbati on Instagram

Ang masayang camping adventure trip na ito ay inihanda ng mga-asawa bilang pagdiriwang sa kaarawan ng ina ni Sarah na si Mommy Esther.

Aniya, “Blessed to have been able to go up north to celebrate mama’s birthday with the family and to just breathe in the cold fresh air as we set up camp and soak in nature together.”


Tunay ngang nakakamangha ang ganda ng lugar na kanilang pinuntahan na tila isa itong paraiso sa gitna ng kagubatan.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Maging ang dalawang anak nina Sarah at Richard na sina Zion at Kai ay masayang nag-eenjoy rin sa kanilang masarang trip na ito.

“Philippines, you are so beautiful. We can’t wait to explore more of you.” saad ng aktres.


Credit: @sarahlahbati on Instagram

Samantala ay isa namang matamis na mensahe ang ipinaabot ni Sarah para kay Richard, matapos pasalamatan ang aktor sa pagiging isang mabuti at mapagmahal na asawa at ama sa kanilang pamilya.

“I wanna thank you for being an amazing husband, for being my safe place, my rock, and a great father to Zion and kai. more importantly, I’m grateful that you continuously bring us close to nature where I feel the most at peace, where the kids are free to run around, and play and where we all get to make beautiful memories that we will forever cherish, thanks to you. I love you. Lord, thank YOU.”

The post Celebrity couple Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, nagkaroon ng isang napakasaya at unforgettable trip kasama ang kanilang pamilya appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments