Bea Alonzo, nagbigay ng surpresa para sa kaarawan ng kanyang kasintahan na si Dominic Roque

Marami sa mga sinusubaybayang celebrity couple ngayon sa industriya ng showbiz ang talaga namang naghahatid ng kakaibang saya at kilig sa mga netizens.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Mapa telebisyon man o social media ay talaga nga namang ang kanilang chemistry ay hindi maitatanggi, at maging ang mga malalapit na kaibigan sa showbiz ay sila ang bet na bet.

Kaya naman ang magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque ay muli na namang pinakilig ang kanilang mga tagahanga at sumusubaybay sa kanilang relasyon, matapos sorpresahin ng Kapuso actress ang kanyang boyfriend sa espesyal na kaarawan nito.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Isang bonggang birthday celebration nga ang inihanda ni Bea para sa ika-32 na taong kaarawan ni Dominic noong July 20.

Aniya, “So last week I threw a “surprise” bday party for Dom, and it turned out to be a magical night”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Sa tulong ni Ycoy Sitchon of La Belle Fette at Randy Lazaro na isang mahusay na event stylist ay tila nagmistulang magical ang naging birthday celebration ng aktor, na ginanap mismo sa five-star Raffles Makati Hotel.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Pagbibigay pasasalamat ni Bea, “Thank you so much, @ycoysitchon for helping with all the party details. You’re an angel! With my busy schedule, none of it would’ve been possible without you!”

Nagmistulang classic at elegant ang naging tema ng mismong venue, na siyang bumagay pa sa kagandahan ng lugar ang mga naging kasuotan ng kanilang mga bisita.




Credit: @beaalonzo on Instagram

Ilan sa mga kaibigan ng magkasintahan at kilalang personalidad sa showbiz ang spotted rin sa naturang selebrasyong ito. Ilan sa mga dumalo ay ang real-life couple na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, Patrick Sugui, Marco Gumabao, at marami pang iba.

Sa litratong ibinahagi ni Bea sa kanyang Instagram, ay isa namang nakakakilig at taos pusong mensahe ang kanyang ipinaabot kay Dominic.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)


Mensahe ng aktres, “Happy birthday, my love. I love it when you smile like this, and I’d gladly put a smile on your face every day. I’m so blessed by how kind and understanding you are. Thanks for making my heart happy. I love you @dominicroque”.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Marami rin naman sa mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagbigay at nag-iwan rin ng kanilang pagbati at mensahe para sa kaarawan ng aktor.


Credit: @beaalonzo on Instagram

Ilan sa mga ito ay sina Dimples Romana, Anne Curtis, Karen Davila, Yasmien Kurdi, Donnalyn Bartolome, Ronnie Alonte at marami pang iba.

The post Bea Alonzo, nagbigay ng surpresa para sa kaarawan ng kanyang kasintahan na si Dominic Roque appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments