Dimples Romana, surpresang pinuntahan ang kanyang anak sa ibang bansa upang magbigay suporta sa pangarap nito na maging isang piloto

Talaga nga namang nag-uumapaw ang kaligayahan at proud na proud ngayon ang aktres at celebrity mom na si Dimples Romana, para sa panibagong achievement na nakamit ng kanilang panganay na anak ng kanyang asawang si Boyet Ahmee, ang kanilang Future Captain na si Christiana Amanda Lauren o mas kilala bilang si Callie.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Ang kanilang 18-year-old daughter na si Callie ay isa lang naman sa mga nangangarap na maging isang mahusay na piloto. Kaya naman ang pangarap na ito ay unti-unti na ngang naisasakatuparan.

Matatandaang lumipad patungong Australia si Calliee upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Business Major in Aviation Management program ng Southern Cross University.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Pursigido nga sa pag-abot ng matagal na niyang pinapangarap sa buhay si Callie, kaya naman ang celebrity mom ay hindi pinalagpas ang pagkakataong ito na masilayan at masaksihan ang kauna-unahang pagpapalipad ng eroplano ng kanyang kanyang anak.

Ibinahagi ni Dimples sa kanyang Instagram account ang kanyang sopresang pagbisita sa pilot training academy na pinapasukan ng kanyang anak.


Credit: @dimplesromana on Instagram

At sa kanilang muling pagkikita mag-ina, ay dito na bumuhos ang labis na kaligayahan at pagiging emosyonal ng dalawa makalipas ang ilang buwan matapos umalis si Callie papuntang Australia.

Bilang ito ang kauna-unahang flying training session ni Callie, ay nais umano ni Dimples na maiparamdam sa kanyang anak na siya ay isa pa rin sa kanilang top priority kahit na may dumating na bagong blessing sa kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)


Aniya, “As you know, even when it may, at times, seem as if Dad @papaboyetonline and I need to attend to more pressing matters, YOU and your brothers will always be the TOP PRIORITY. We will run, fly, crawl if we have to, to get to you.”




Credit: @dimplesromana on Instagram

Bilang isang ina, ay hindi napigilan ni Dimples na maging proud habang nasasaksihan ang unang pagkakataon na lumipad ang eroplano ng kanyang anak.

Saad pa ng aktres, “Unfiltered golden hour with the golden girl on the Gold Coast @callieahmee. Proof that the Lord hears even the most silent prayers of mothers. Happy to be here for this special milestone for you Ate @callieahmee .”


Credit: @dimplesromana on Instagram

Sa mga litratong ibinahagi ni Callie sa kanyang Instagram ay makikita ang mga snaps ng kanyang sarili pati na rin ang eroplanong pinalipad nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Amanda (@callieahmee)


Ayon sa kanyang iniwang caption sa naturang post, “first flight all starrrsssss”.

Tunay ngang nakakabilib at nakakamangha ang kanyang ipinakitang galing, kaya naman maging ang mga kapwa celebrities ay hindi rin napigilang humanga at purihin sa panibagong achievement na ito ni Callie.


Credit: @dimplesromana on Instagram

Ilan sa mga kilalang personalidad sa showbiz na nagbigay ng kanilang pagbati at komento ay sina Angel Locsin, Melai Cantiveros-Francisco, Karina Bautista, Kaila Estrada at marami pang iba.

The post Dimples Romana, surpresang pinuntahan ang kanyang anak sa ibang bansa upang magbigay suporta sa pangarap nito na maging isang piloto appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments