Angeline Quinto, ipinasilip ang napakagandang lugar na kanilang pinuntahan upang magbakasyon

Nagsimula man ang rainy season sa bansa ay tila damang-dama pa rin ang init ng summer para sa singer at aktres na si Angeline Quinto. Nitong mga nakalipas na araw, ay masayang nagbakasyon ang Power Diva kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina, at ang ilan sa kanilang mga kapamilya at matatalik na kaibigan.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Masayang nagbakasyon sina Angge sa Lost Villa na matatagpuan sa Brgy. Lourdes, sa Lopez Quezon. Ang bakasyon nilang ito ay tila mas naging memorable dahil ito rin ang first out of town trip ng kanilang anak na si Baby Sylvio.

Kung ang hanap mo ay isang napakagandang resort upang makapag-unwind at makapag-relax, ang Lost Villa ang perfect para sa inyong trip.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Sa ibinahaging vlog ni Angge sa kanyang YouTube channel, ay masayang ipinasilip ng celebrity mom kasama ang may-ari ng Lost Villa, ang magandang lugar na kanilang pinuntahan.




Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Pagpasok pa lamang sa loob ng resort ay talagang mamangha ka sa kagandahan ng lugar, isama pa ang mala nature vibes nito na syang perfect rin para sa mga nature lover tulad ng singer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto)


Magmula pa lamang sa entrance ay bubungad na sayo ang kanilang living area na sinamahan pa ng mga wooden furniture na siyang bumagay sa estilo at tema ng resort.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Ipinakita rin nila ang dalawang king rooms at dalawang bunk beds at ang isang napakagandang hand painted wall mural na gawa naman ng isang Caviteño artist.

Kung isa ka rin naman sa mga mahilig magluto, tiyak na ang kanilang brick kitchen ay isa sa mga magpapamangha sayo, na kung saan isa lang naman ito sa pinakamahal na parte ng resort na umabot pa nga sa halos 800k.

Makikita rin ang kanilang pool area na may sukat na 14 meters by 5 meters, at ang kanilang ipinagmamalaki rin na bar area.

Samantala, maliban sa Lost Villa ay isa rin sa mga masayang binisita ni Angge ang Lopez market, na kung saan ay kanyang sinubukan at binili ang ilan sa mga binebentang kakanin rito, tulad ng bibingka, palitaw, tikoy, at pichi pichi.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Binisita rin niya ang isa sa mga kilalang restaurant dito ang Smokehauz ni Mang Kulas na siyang matatagpuan naman sa Brgy. Talolong sa Lopez, Quezon.

Tila isang napakasayang bakasyon nga ito para sa pamilya ni Angge, lalo pa’t nakasama niya sa masayang experience na ito ang kanyang anak na si Baby Sylvio.


Credit: Love Angeline Quinto Youtube Channel

Aniya, “So much fun at @lostvillaquezon with my family! I’m grateful that we got to spend a happy and relaxing time for @babysylvio ‘s first out of town trip! Of course, thank you very much to Lost Villa for being so accommodating!”

The post Angeline Quinto, ipinasilip ang napakagandang lugar na kanilang pinuntahan upang magbakasyon appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments