Mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano, ibinahagi ang mga napaka cute at masasayang kuha ng kanilang bunsong anak na si baby Astro

Sa pagdating ng bunsong anak ng celebrity couple na sina Iya Villania at Drew Arellano na si Baby Astro, ay tila mas lalo pang nadagdagan ang mga kinagigiliwang celebrity babies ngayon sa showbiz.


Credit: @drewarellano on Instagram

Talaga nga namang sa taglay na kakyutan ng mga babies ay hindi maitatangging marami sa atin ang sila ay pinanggigilan. Kaya naman maging ang mga netizens ay talaga namang nakaabang sa bawat litrato at videos ng mga ito.

Matatandaan na noong June 4, 2022, nang isilang ng Mars Pa More host na si Iya ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Astro Phoenix.


Credit: @drewarellano on Instagram

Tunay ngang kaligayahan ng bawat mga magulang ang kanilang mga anak, kaya naman kahit ikaapat na itong anak ng mag-asawa ay tila’y bago pa rin sa kanila ang kasiyahang nararamdaman.

At sa pagdating nga ni Baby Astro ay mas dumoble pa ang saya at kaligayahang nararamdaman ng kanilang pamilya.


Credit: @iyavillania on Instagram

Nito lamang ika-2 ng Agosto ay talagang agaw pansin ang napakacute na si Baby Astro matapos ibahagi ni Drew sa social media ang nakakatuwang video nito.

Sa video ay makikita ang happy baby na si Astro na kung saan habang ito ay kinukuhaan ng video ay todo naman ang pagpapa-cute nito na sinamahan pa nga ng munting pagkindat sa camera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)


Sino ba naman ang hindi manggigigil sa “bundle of joy” na ito na talaga nga namang agaw pansin ang kanyang taglay na kakyutan.

Kasunod naman nito ay ang isang video rin ang siyang ibinahagi naman ni Iya sa kanyang Instagram, na kung saan ay makikita ang labis na pagmamahal nina Primo, Leon at Alana sa kanilang baby brother.




Credit: @iyavillania on Instagram

Ngunit mas lalo pa ngang lumabas ang taglay na kakyutan ni Baby Astro ng sa munting pag-smile nito ay siyang paglabas rin ng kanyang cute dimple.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)


Hindi na nga napigilan pa ng mga netizens ang humanga at purihin ang napakacute na si Baby Astro, na ayon pa nga sa kanilang mga komento ay ka-look-a-like raw nito ang kanyang panganay na kapatid na si Primo.

“Primo look-a-like! 😍


Credit: @iyavillania on Instagram

“Omg looks like kuya primooo!”

“Little primo 😍😍😍😍😍😍😍😍😍

The post Mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano, ibinahagi ang mga napaka cute at masasayang kuha ng kanilang bunsong anak na si baby Astro appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments