Solenn Heussaff, ibinahagi ang kanyang blooming baby bump na larawan sa kanyang ika-17 weeks na pagbubuntis

Isang nakakatuwa at napakagandang balita ang hatid ng Kapuso model-actress na si Solenn Heussaff at Argentinian businessman na si Nico Bolzico sa publiko. Ito nga ay matapos ianunsiyo ng mag-asawa sa kanilang social media account ang ikalawang pagbubuntis ng aktres.


Credit: @solenn on Instagram

Kilala sina Solenn at Nico sa pagiging makulit at funny couple dahil sa kanilang nakakatuwang asaran sa social media, na siya namang naghahatid ng saya at good vibes sa kanilang mga tagahanga.


Credit: @solenn on Instagram

At kung madalas na ibahagi ng mga celebrity couple ang kanilang pregnancy journey sa pamamagitan ng mga litrato na kanilang ibinabahagi sa social media at maging sa kanilang interviews, tila sina Solenn at Nico ay kakaiba naman ang naging pamamaraan kung paano ibinalita ang pagbubuntis ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)


Sa video na ibinahagi ni Nico sa kanyang Instagram reel, ay makikitang kinumpirma ng mag-asawa ang pagdating ng kanilang 2nd baby sa pamamagitan ng isang hi-tech X-ray app sa kanilang smart phone.


Credit: @solenn on Instagram

Mapapansing sinubukan ni Nico sa kanyang sarili ang X-ray app na ito at kalaunan ng kaniyang sinubukan naman kay Solenn ay dito na nakita ang baby sa sinapupunan ng celebrity mom.

Matapos ang kanilang naging anunsyo ay sinundan naman ito ng aktres ng isang mirror selfie, nang ibahagi niya sa kanyang IG story ang kanyang 16 weeks pregnancy.




Credit: @solenn on Instagram

At makalipas lamang ng isang linggo, ay isa namang napakagandang litrato ang ibinahagi ni Solenn sa kanyang Instagram post, na kung saan ay makikita ang “H0t Momma” na kasuot ng brown bump suit sa kanyang ika-17 weeks pregnancy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)


Tila kahit magiging mother of two na, ay hindi pa rin kumukupas ang natatanging ganda at kas3ksihan ng celebrity mom, at mas lalo pa ngang naging blooming sa kanyang pagbubuntis ngayon.


Credit: @solenn on Instagram

Dahil dito, bumuhos naman ang papuri para sa aktres at pagbati para sa pagdating ng panibagong blessing sa buhay ngayon ng Bolzico family.

“Omg yaaaay how exciting!!!😍😍😍

“Congratulations 😍❤❤❤❤


Credit: @solenn on Instagram

“Congratulations so stunning 🔥❤

Ikinasal sina Solenn at Nico noong May 21, 2016 sa France at nabiyayaan ng isang napaka-cute at napakagandang anak ang kanilang two-year-old daughter na si Thylane Katana na isinilang naman noong January 2020.

The post Solenn Heussaff, ibinahagi ang kanyang blooming baby bump na larawan sa kanyang ika-17 weeks na pagbubuntis appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments