Anak ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, kinagiliwan ng mga netizens matapos magpakitang gilas sa kanyang acting skills

Ang mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford, ay isa lang naman sa mga hinahangaan at sinusubaybayang celebrity couple ngayon sa industriya ng showbiz.


Credit: @coleen on Instagram

Sa kanilang pagkakaroon ng matibay na samahan at wagas na pagmamahalan, ay hindi kataka-takang marami rin ang tumitingala sa kanilang magandang relasyon sa isa’t-isa, lalo pa nang dumating sa kanilang buhay mag-asawa ang kanilang unico hijo na si Amari.

Hindi maikakaila na sina Coleen at Billy ay hinangaan rin ng publiko sa kanilang anking husay at talento pagdating sa pag-arte, na kung saan ay kanilang ipinamalas ang natatanging galing sa mga pelikula at teleseryeng kanilang ginampanan.


Credit: @coleen on Instagram

At dahil nga parehong mahuhusay na aktor at aktres, ay hindi naman maikakailang namana ng kanilang anak na si Amari ang husay nilang dalawa sa pag-arte sa murang edad pa lamang nito.

Isa nga si Amari sa mga celebrity baby ngayon na talaga namang kinagigiliwan at pinanggigigilan sa kakyutan ng mga netizens dahil sa kanyang nakakatuwang bibong personality.


Credit: @coleen on Instagram

Kaya naman sa pagkakataong ito ay muling ipinamalas ni Amari ang kanyang natatanging kakyutan, matapos magpakitang gilas sa video na ibinahagi ni Coleen sa kanyang Instagram.

Sa video ay makikita ang napaka-cute na si Amari na tila nagpapakitang gilas sa paggaya ng mga facial expression na sinasabi ng kanyang mga magulang.


Credit: @coleen on Instagram

Ilan nga sa kanyang ginawa ay ang fake laugh, gigil mode, mad face, fake crying, beautiful eyes, strong man, bad smell at ang panghuli ay ang happy face na may kasama pang munting pagsayaw nang simulang kumanta ang kanyang Daddy Billy.

Tila ang proud mom na si Coleen ay hindi rin napigilang panggigilan ang labis na kakyutan ng kaniyang anak.


Credit: @coleen on Instagram

Aniya, “This little guy was in a great mood while eating his torta, so it was a good time to show off.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


“He is Obsessed,” ganiyan nga kung ilarawan ng aktres si Amari ng kanyang ibahagi ang napaka-cute na smile nito sa tuwing pinapanood raw nila ang video, na ayon pa sa kanya ay halos hindi na nila mabilang kung ilang beses na nila pinanood ang nasabing video nito.




Credit: @coleen on Instagram

“He is obsessed with his own videos, and he always has the biggest smiles while watching them. We’ve only seen this one 74635262893632 times cause he cries whenever it stops. He won’t nap rn cause he still wants to watch it.” saad ni Coleen.

Dahil sa pagpapakitang gilas ni Amari, ay umani naman ng paghanga mula sa mga netizens ang kanyang video. Tila nga ayon pa sa ilang komento, ay malaki ang tyansa na sundan ni Amari ang yapak ng kanyang mga magulang sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay rin na artista balang araw.


Credit: @coleen on Instagram

“Aba!!! Artista!!! Hehehhe! So cute!❤

“Amari! 😍 pwede na mag artista si amari ❤


Credit: @coleen on Instagram

“Sooooocute 💖💖💖❤❤❤🥰

“Cute mo talaga amari.😍😍😍❤❤❤

The post Anak ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari, kinagiliwan ng mga netizens matapos magpakitang gilas sa kanyang acting skills appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments