Pamilya ng aktor na si Rayver Cruz, masayang nakipag bonding sa pamilya ni Julie Ann San Jose

Sa matagal na usap-usapan patungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, ay tila marami na sa mga netizens at fans ang nasasabik at napapatanong kung ano na nga kaya ang real score, sa pagitan ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose at ang Kapuso singer, dancer, at hunk actor na si Rayver Cruz.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Naging malapit sina Julie Anne at Rayver simula nang magkasama sila sa defunct weekly musical-variety show na Studio 7 na umere noong Oktubre 2018 hanggang December 2019.

Sa kanilang nakakakilig at kakaibang chemistry kaya naman ang kanilang mga fans ay binansagan ang kanilang loveteam bilang JulieVer, nang sila ay parehas na maging co-hosts ng reality talent search na The Clash at parehong magkasama rin sa mainstays ng weekly variety show na All-Out Sundays.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Tunay ngang wala nang makakapigil pa sa kanilang nakakakilig na tinginan at pagiging sweet ng dalawa sa kanilang mga social media accounts.


Lalo pa ngang naging usap-usapan ang kanilang espesyal na pagtitinginan sa isa’t-isa ng hayagang aminin ni Rayver sa kanyang Twitter account na “crush” niya si Julie Ann, na siya rin namang sinuklian ng aktres sa pag-amin na may gusto rin siya sa aktor.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Ngunit sa kabila man ng mga espekulasyon at matamis na pagpapalitan ng mensahe ng dalawa sa social media, ay tila mukhang nabibigyang linaw na ito ngayon matapos ibahagi ng aktres, TV host, at news anchor na si Dianne Medina ang napakagandang litrato kasama ang JulieVer at ang kanyang asawa na si Rodjun Cruz na kapatid ni Rayver.

Nito lamang ika-10 ng Hulyo ay makikita ang masayang litrato ng mag-asawa na masayang nakipag-bonding kina Julie Ann at Rayver.


Credit: @dianne_medina on Instagram

Ayon nga sa iniwang caption ni Dianne sa kanyang post, ay tila isang masayang bonding time ang naganap sa pagitan ng San Jose at Illustre Family.

Aniya, “Super fun bonding with the San Jose Family. Thank you Lord for the gift of family and friends!”

Makikita sa kanilang mga litrato ang labis na pag-eenjoy at matatamis na ngiti, na sinabayan rin ng pagsayaw sa bawat TikTok dance moves na kanilang ginawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


Dahil dito marami sa mga netizens ang labis na kinilig at masayang-masaya na makita ang apat na magkakasama sa iisang litrato.

“Yown oh the long wait is over 4 babies in 1 frame❤❤❤❤ thank you po❤


Credit: @dianne_medina on Instagram

“If you’re having fun, make it double 🥰

“Bagay talaga kayo! Mas lumabas Ung happiness 👏

The post Pamilya ng aktor na si Rayver Cruz, masayang nakipag bonding sa pamilya ni Julie Ann San Jose appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments