Alex Gonzaga, ipinasilip ang kanilang napakaganda at sobrang lawak na condo unit

Sa ibinahaging YouTube vlog ng aktres, TV host at sikat na vlogger na si Alex Gonzaga, ay kaniyang ipinasilip sa publiko ang kauna-unahang tahanan nila ng kanyang asawa na si Mikee Morada.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Makalipas ang ilang buwang paghihintay ay sa wakas natapos na rin ang newly renovated condo nina Alex sa Pasig, na kung saan ito ang magsisilbing tahanan ng mag-asawa habang kasalukuyang ipinapatayo ang kanilang dream home.

Ayon kay Alex, isa raw itong three-bedroom condominium unit na matagal na niyang nabili mula pa man noon. Bagamat tatlong buwan ang hinintay hanggang sa matapos ang renovation, ay tila worth the wait naman dahil sa napakagandang disenyo mula sa kinalabasang resulta nito.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Aniya, “Isa itong 3-bedroom unit dito sa New York, ang feeling. Ito yung dating look nung condo ko pero feeling ko kasi parang mas nababagay siya sa Mommy Pinty living. Pero dahil pa-hip and happening kaming mag-asawa, wala ako lang, walang kinalaman si Mikee dito, inisip ko na ipa-renovate.”

Pagpasok pa lamang sa kanilang condo unit ay mapapansin na agad ang white and wooden theme ng kanilang living area. Maliban sa kakaibang mga dekorasyon at chandelier na makikita mula dito, ay mapapansin rin ang magagandang disenyo ng mga furnitures mula sa kanilang mga lokal na supplier.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sa bahagi naman ng kanilang dining area, ay bubungad rin sayo ang kanilang wooden dining set, na ayon rin kay Alex ay plano nilang palagyan ng glass ang kanilang dining table.

Isa naman sa mga paboritong lugar ng aktres sa loob ng kanilang condo unit ay ang kaniyang enclosed na kusina, na siyang kapansin-pansin ang kakaibang disenyo nito kumpara sa mga pangkaraniwang open layout na mga kusina ngayon.




Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Sunod namang ipinasilip ni Alex ang kanilang sariling laundry area at powder room para sa kanilang mga bisita.

Matapos nito ay sunod namang niyang ipinakita ang kwartong na nakalaan mismo para sa kaniyang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Pagdating naman rin sa master’s bedroom nina Alex at Mikee ay makikita sa loob nito ang mga bag collection ni Alex, ang kanilang wooden closet at ang master’s bathroom na mayroong black accents para madepina ang pagka sophisticated look nito.

Ipinasilip rin ni Alex ang isang kwarto na siyang nakalaan naman para sa kanyang walk-in closet na isa sa kanyang mga naging investment mula sa trabaho.


Credit: Alex Gonzaga Official Youtube Channel

Bago matapos ang kanyang vlog ay hindi naman nakalimutang pasalamatan ni Alex ang kanyang mga taga suporta, dahil hindi raw maisasakatuparan ang pagbuo nito kundi dahil sa kanyang mga fans at followers.

The post Alex Gonzaga, ipinasilip ang kanilang napakaganda at sobrang lawak na condo unit appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments