Aktres na si Ryza Cenon, balik vlogging na muli matapos ang halos isang taong paghinto sa pagba-vlog

Ang aktres at celebrity mom na si Ryza Cenon ay isa lang naman sa mga sikat at hinahangaang aktres sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang natatanging husay at galing sa pag-arte.


Credit: Real Ryza Cenon Youtube Channel

Ngunit maliban sa pagiging isang aktres ay pinasok na rin ni Ryza ang vlogging, na kung saan ay marami na rin sa mga kilalang celebrities ang may sarili na ring YouTube channel, na siyang nakapagbibigay aliw at saya sa mga manonood magmula sa kanilang mga ibinabahaging content.

Nagsimulang pasukin ni Ryza ang pagba-vlog noong August taong 2020, at isa nga sa kauna-unahang content na kanyang ginawa ay ang munting pasilip sa kanyang tahanan.


Credit: Real Ryza Cenon Youtube Channel

Matatandaang ika-1 ng Mayo ng nakaraang taon nang ipaalam ni Ryza sa kanyang mga tagasubaybay ang kanyang pagpapah!nga at paghinto panandalian sa pagba-vlog, na dahilan umano sa mga natatanggap at nababasang negatib0 sa social media.

Aniya, “Actually, nagpaalam ako sa Oomph group at saka sa VIVA na kung pwedeng mag-stop muna kong mag-vlog dahil, ang dami na kasing nangyayari ngayon sa social media na sobrang neg@tive. Naaapektuhan ako and parang nawawala na rin yung drive ko na mag-vlog. Habang kaya ko pang i-handle, di ba, pahinga muna ko nang konti.”


Credit: Real Ryza Cenon Youtube Channel

Nagpahinga man panandalian ay nangako naman si Ryza na magbabalik muli kaya nga matapos ang halos isang taon, ang celebrity mom ay masayang nagbabalik muli sa pagba-vlog matapos maglabas ang aktres ng comeback video sa kanyang YouTube channel nito lamang July 2.

At bilang ito ang kauna-unahang video na ibabahagi ni Ryza sa kanyang manonood matapos ang isang taong pamamah!nga, ay ipinasilip ng celebrity mom ang kanilang masayang “A Day in A Life” kasama ang napaka-cute at chinitong anak na si Baby Night.


Credit: Real Ryza Cenon Youtube Channel

Sa video ay ipinasilip ni Ryza ang kanilang daily routine mag-ina at ilan nga sa kanyang ipinakita ay ang playtime ng kanyang anak tuwing breakfast.

Pagbabahagi ng aktres, “Dito kami madalas naglalaro, nagbabasa ng books, tapos may times naman na wala sya dito sa loob [ng playpen], nandito siya sa labas, naglalakad, tumatakbo.”


Credit: Real Ryza Cenon Youtube Channel

Bilang isang first-time mom, ay sinasanay rin umano ni Ryza si Baby Night sa panonood at pagbabasa ng mga educational books at children learning videos.

Aniya, “Sinasanay namin siya hangga’t maaari na wag siyang masanay na [manood] sa TV, [at gumamit] ng gadgets, kaya mas marami siyang toys para mas dito siya mag focus sa laruan at sa books.”




Credit: Real Ryza Cenon Youtube Channel

“May mga times na nanonood kami pero educational,” saad pa niya.

Pagdating naman sa pakikipag-usap sa kaniyang anak ay ibinahagi rin ng celebrity mom na sinasanay nila si Baby Night na kausapin gamit ang wikang tagalog kaysa sa wikang ingles.


Credit: Real Ryza Cenon Youtube Channel

Ayon sa aktres, “Kinakausap namin siya ng tagalog kaysa English kasi gusto namin siyang matuto na ‘yun yung first language niya ang tagalog. Kasi nowadays, ang mga bata puro English at nakakalungkot kasi taga Pilipinas tayo, pero ang mga kids natin is karamihan English ang first language nila, hindi sila masyado marunong mag tagalog.”


Credit: Real Ryza Cenon Youtube Channel

Sa ngayon ay masayang sinusulit ni Ryza ang kanyang pagiging hands-on mom kay Baby Night kasabay na rin ang kanyang pagbabalik sa vlogging.

Aniya, “Thank you so much sa unang vlog ko ulit this year. Alam niyo naninibago ako, pero thank you sa support at panonood niyo.”

The post Aktres na si Ryza Cenon, balik vlogging na muli matapos ang halos isang taong paghinto sa pagba-vlog appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments