Kiray Celis, sinurpresa ang kanyang tatay ng malaking halaga ng pera at mga alahas para sa kaarawan nito

Sa tuwing sasapit ang ating kaarawan ay iba-iba ang ating pamamaraan kung paano ito maipagdiriwang kasama ang mga taong mahahalaga sa ating buhay.


Credit: @kiraycelis on Instagram

At kung pag-uusapan lang rin naman ay ang isang napakasayang handaan at selebrasyon, ay tila hindi magpapahuli diyan ang aktres at komedyanteng si Kiray Celis.

Kinilala si Kiray hindi lamang bilang isang aktres at komedyante, ngunit siya rin ay hinangaan dahil sa kaniyang pagiging isang mabuti at mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang.


Credit: @kiraycelis on Instagram

Sa kabila nga ng kanyang natamong kasikatan sa buhay, ay talaga nga namang kahanga-hanga ang kanyang pagiging isang mabuting anak at hindi nakakalimutang ibahagi sa kanyang pamilya ang lahat ng mga biyayang kanyang natatanggap.

Kaya naman hindi nakapagtataka na patuloy ang pagbuhos ng biyaya sa kanyang buhay, at dahil nga ito sa kabutihan ng kanyang puso para sa kanyang pamilya. At kasabay nga ng paglipas ng panahon ay taon-taon rin ang nagiging paghahanda ni Kiray upang maging espesyal ang bawat pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang mga magulang.


Credit: @kiraycelis on Instagram

Sa muling pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang ama, ay isa na namang napakasaya at bonggang sorpresa ang kanyang handog na siyang labis na nagbigay kasiyahan rito. Sa video na ibinahagi ni Kiray sa kanyang Instagram account, ay makikita ang tatlong cake ng kanyang ama, na kung saan ang dalawa rito ay nakatago ang kanyang sorpresang regalo.

Sa unang pagbukas ng purple cake ay wala itong naging laman sa loob, ngunit ng kanilang silipin ang orange cake ay dito na makikita ang gintong alahas na regalo ng komedyante sa kanyang ama pati na rin sa kanyang ina.




Credit: @kiraycelis on Instagram

Ngunit hindi pa diyan natatapos ang kanyang sorpresa, dahil ng kanilang buksan ang ikatlo at panghuling cake, ay dito na makikitang naglalaman ito ng perang umabot nga sa P63,000 na halaga na siyang kaparehas rin ng ika-63 taong kaarawan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


Caption ni Kiray sa kanyang post, “63K sa 63 years old birthday boy! Maubos man ang ipon ko sa kakapa money cake sainyo every birthday niyo ni mama, okay lang. sobrang thankful at blessed ako taon taon na nadadagdagan lagi ang buhay niyo. Mahal na mahal ko kayo papa at mama”.


Credit: @kiraycelis on Instagram

“Happy happy birthday, Papa! Kung saan ko nakuha kakulitan ko, kadaldalan ko at height ko.. alam niyo na! HAHAHAHAHA! I love you papa!” dagdag pa nito.


Credit: @kiraycelis on Instagram

Tunay ngang napakagandang inspirasyon ito para sa maraming kabataan na pasayahin at ibalik ang sakripisyong inilaan ng ating mga magulang upang tayo ay mapalaki ng maayos at maibigay ang magandang buhay.

The post Kiray Celis, sinurpresa ang kanyang tatay ng malaking halaga ng pera at mga alahas para sa kaarawan nito appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments