Yeng Constantino, ipinasilip ang kanilang napakaganda at maaliwalas na farm house

Kinilala ang singer at songwriter na si Yeng Constantino bilang isa sa mga mahuhusay na mang-aawit na tinitingala at hinahangaan ng madla. Marami na nga sa kanyang mga kantang pinasikat ang talaga nga namang naging patok at maging sa kasalukuyan ay patuloy pa rin itong pinapakinggan.


Credit: Yeng Constantino Youtube Channel

Maliban sa magandang takbo ng kanyang karera ngayon, ay hindi naman maikakailang makulay at napakasaya rin ng buhay pag-ibig ngayon ni Yeng, kapiling ang kanyang asawa na si Victor ‘Yan’ Asuncion.

Tila hindi lamang abala ngayon si Yeng sa kanyang mga trabaho, kundi isa rin sa kanyang pinagkakaabalahan ngayon ay ang pagiging vlogger.


Credit: Yeng Constantino Youtube Channel

Madalas nga kung ibahagi ni Yeng sa YouTube channel nito ang kanyang masayang buhay at travel kasama ang kanyang mister, pati na rin ang ilan sa kanilang mga planong proyekto tulad ng pagpapatayo ng kanilang pinapangarap na bahay.

Sa muli ay masayang isinama ni Yeng ang kanyang mga tagasubaybay sa halos katatapos lamang na farmhouse, na kanilang ipinatayo sa Quezon na kung saan ay talagang makikita ang kakaibang vibe na hatid nito kumpara sa kanilang bahay sa Manila.


Credit: Yeng Constantino Youtube Channel

Pagbabagi niya, “’Yun din talaga yung goal namin ni Yan na, gusto namin kapag pupunta kami dito, the moment na makikita namin yung bahay alam namin na ibang-iba talaga yung vibe niya sa bahay namin sa Manila.”

Ayon sa singer, ay matagal na umano niyang pangarap na magkaroon ng sariling bahay na kanyang tawagin bilang kanilang “tiny home”.


Credit: Yeng Constantino Youtube Channel

Kaya naman ngayon ay excited na ipinasilip ni Yeng sa publiko ang kanilang bahay sa probinsya, na kung saan ay naging katuwang nya rito ang kanyang mister sa pagpaplano at pagde-design ng kanilang bahay.

Unang ipinasilip ni Yeng ang kanilang malawak na balkonahe na kung saan ay napapalibutan nito ang kabuuan ng kanilang bahay.


Credit: Yeng Constantino Youtube Channel

Kapansin-pansin rin ang pagiging aesthetic ng lugar, magmula pa lamang sa kanilang bubong na yari sa Anahaw at ang brown metal handrail, na siyang isa naman sa mga pinaka paboritong spot ni Yeng.

Plano rin umano nila na gawing mala coffee shop ang vibe ng kanilang balkonahe, na siyang perfect rin naman sa tuwing gusto nilang magtrabaho sa lugar na ito.


Credit: Yeng Constantino Youtube Channel

Mapapansin rin ang mga materyales na ginamit sa kanilang mga pintuan na kung saan ay gawa ang mga ito sa kahoy na mas kilala rin sa tawag na “barn door”.

Pagpasok naman sa loob ng kanilang bahay ay bubungad sayo ang kanilang living room, na kahit maliit lang ang espasyo nito ay nagmumukha pa ring malaki dahil sa taas ng kanilang ceiling na ginamitan pa ng palamuti na banig.


Credit: Yeng Constantino Youtube Channel

Pagdating naman sa kanilang mga bintana, ay mapapansin na ang bahagyang kalakihan nito dahil sa kagustuhan nilang mag-asawa na makapasok pa rin ang natural lighting na nagmumula naman sa kanilang mga inilagay na fixed windows.

Katabi naman ng kanilang sala ay dito naman makikita ang kanilang kusina na kung saan ang kanilang kitchen counter ay naka cement finished, at mayroon ring hanging shelves at open shelves upang makita umano nila ang mga gamit na nakalagay doon.




Credit: Yeng Constantino Youtube Channel

Sa bahaging ito ay mapapansin na mababa lamang ang kanilang ceiling, dahil sa itaas na bahagi pala nito ay dito naman makikita ang kanilang kwarto mag-asawa, na isang loft type bedroom.

May kaliitan man ang laki ng kanilang bahay na ito, ay natupad naman ang matagal ng pangarap ni Yeng na magkaroon ng “outdoor bathroom”, na kung saan ay makikita mula dito ang polycarbonate nila na bubong, cement finished na counter, open shelves, at sariling bathtub.


Credit: Yeng Constantino Youtube Channel

Talaga nga namang kahit sino ay mare-relax sa farmhouse nina Yeng at Yan na kung saan ay napapalibutan rin ang kanilang munting tahanan ng mga naggagandahang tanawin at sariwang hangin.

The post Yeng Constantino, ipinasilip ang kanilang napakaganda at maaliwalas na farm house appeared first on The Trending Planet.



Source: Trending Planet

Post a Comment

0 Comments